• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

APEC, mahalaga para makaiwas sa labanan, i-promote ang kapayapaan sa rehiyon-PBBM

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kahalagahan ng  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) para makaiwas sa labanan at i-promote ang kapayapaan sa rehiyon.

 

 

“I wish to emphasize once more that global and regional economic governance platforms such as APEC are geared towards averting conflict because sustained prosperity and progress are only possible in a world that is at peace, which in turn must be a peace that is built on a solid economic foundation,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa  APEC CEO Summit.

 

 

Aniya, dapat din na kumilos o umaksyon ang mga APEC member economies sa  core value propositions ng bloc  bilang  “premier regional forum sa  Asia-Pacific, incubator ng innovative ideas, pathfinder para sa collaborative solutions para sa umuusbong na usapin sa mga kalakal at  magsilbing platform para sa forward-looking at responsive economic at trade policies.”

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na dapat ding ipagpatuloy ng  member economies  na bumuo ng  APEC’s partnership sa  private sector at mas makasabay sa  APEC Business Advisory Council (ABAC) at iba pang  stakeholders.

 

 

“We must act regionally; we must also shrink our intentions globally by finding coherence in our workstreams with those of other economies of the world and other regional and international organizations,” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, sinalubong at sinabayan naman ng mga kilos -protesta ang 2023 APEC Summit  mula sa iba’t ibang grupo sa San Francisco.

 

 

Karamihan sa mga raliyista ay nagprotesta sa labas ng The Pickwick Hotel kung saan tumutuloy ang  Philippine media delegation. (Daris Jose)

Other News
  • Duterte nagbigay-pugay sa mga frontliners ngayong Araw ng Kagitingan

    Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan sa paggunita sa Araw ng Kagitingan.     Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng araw na ito ay mabibigyan tayo ng isang matibay na paalala ng hindi matatawarang determinasyon ng mga Pilipino na […]

  • PANGANGAMPANYA, PARA LIMITAHAN ANG PANGANIB SA COVID

    GUMAWA ng mga paghihigpit ang Comelec sa personal na pangangampanya upang limitahan ang panganib ng mga impeksyon sa COVID-19 sa panahon ng 2022 campaign period.     “Sa tamang panahon at sa tamang sirkumstansya, nakakakita tayo ng mga sitwasyon kung saan tama at kinakailangan na medyo pigilan ang mga iba’t ibang activities,” ayon kay Commission […]

  • 4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela

    LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]