Apektado habang pinapanood ang ‘Artikulo 247’: KRIS, pinanggigilan ng viewers at awang-awa na kay RHIAN
- Published on May 20, 2022
- by @peoplesbalita
THANKFUL sina Kapuso Royal Couple Dingdong Dantes and Marian Rivera, sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanila.
Nagpasalamat din sila sa mga netizens na sumubaybay sa kanilang first sitcom together, ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na nagtala ng mataas na rating sa premiere showing nito last Saturday, May 14, 7:15PM sa GMA-7 na kinaaliwan ng mga viewers.
Ngayon ay maraming nagsasabing netizens na sana, huwag munang magtapos ang number one game show here and abroad, ang Family Feud hosted by Dingdong, Mondays to Fridays, 5:45PM sa GMA-7. Pampaalis daw ng pagod ang panonood nito at nakikisagot sila sa mga itinatanong ni Dingdong sa dalawang team na kasali sa game.
At patuloy din ang blessings kay Marian, na ngayon ay may bagong endorsement, isang bagong brand ng shampoo and conditioner. Ini-launch na ito ni Marian sa Instagram and Facebook Live ng product.
Nag-promise naman ang million fans ni Marian na susuportahan sa bago niyang endorsement. Napapanood din si Marian hosting every Saturday sa OFW documentary show na Tadhana sa GMA-7.
***
NANGGIGIL na ang viewers kay Kris Bernal at awang-awa naman sila kay Rhian Ramos habang pinapanood nila ang GMA Afternoon Prime na Artikulo 247.
Parehong mahusay na aktres ang magkalabang sina Klaire/Carmen (Kris) at MJ (Rhian) sa naiibang story ng serye. May rich husband si Klaire, pero may boyfriend din siya, si Julian (Mike Tan), Nagkukunwari lang mabait si Klaire pero ang totoo ay nambibiktima lamang sila ni Julian ng mga lalaking pinakakasalan niya.
Nakilala ni Klaire si MJ na employee ng asawa niya. Napatay ni Klaire ang husband niya at kay MJ niya isinisi. Pinalayas si Klaire ng mother-in-law niya pero nakuha naman niya ang lahat ng kayamanan ng asawa na para sa kanya.
Nangibang lugar si MJ at nagtrabaho sa isang beach resort at dito sila muling nagkita ni Klaire na pakilala na ay Carmen. Iyon pa rin ang trabaho ni Carmen at ni Julian. Naging asawa ni Carmen si Elijah (Mark Herras) anak ng may-ari ng beach, kapatid nito si Noah (Benjamin Alves) ang naging boyfriend ni MJ.
Lahat ng kasamaan ay gagawin ni Carmen kay MJ para maitago niya ang tunay niyang identity. Sa isang insidente si Elijah ang nabaril ni Carmen, pero si MJ ang itinuro niyang may kasalanan.
Sa natitirang last three weeks ng serye, malusutan kaya ni Carmen ang mga kasalanan niya?
Napapanood ang Artikulo 247 at 4:15 PM after Raising Mamay sa GMA-7.
***
MARAMING nagtatanong bakit iniwan na ni Kapuso actress Beauty Gonzalez ang dati niyang manager, si Arnold L. Vegafria at ang ALV Management nito?
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ni Becky Aguila ng Aguila Artist Management si Beauty, pero walang magbigay ng sagot tungkol sa pag-alis ni Beauty. Nang tanungin ang ALV Management, si Beauty na raw lamang ang tanungin, ganoon din naman si Becky, mas mabuti raw manggaling kay Beauty ang sagot sa tanong sa kanila.
Sa ngayon ay nasa second leg na ng lock-in taping si Beauty ng The Fake Life kasama sina Ariel Rivera, Sid Lucero, Bea Binene at Jake Vargas. Mapapanood na sila starting June 6, kapalit ng Artikulo 247 na magtatapos sa June 3, 2022.
***
NARANASAN pala ni Winwyn Marquez ang post partum disorder after two weeks na she gave birth to her baby girl na si Luna.
Nakaramdam daw siya ng pressure, kaya iyak lamang siya ng iyak ng ilang araw. Nakabuti raw naman sa kanya na may nakakausap siya. Instagram post niya:
“For two weeks, there are times that I find myself fold under pressure of it all and cry for days pero natutunan ko that I shouldn’t be afraid to ask help because even if I think I can do everything alone and be a super mom with my new born – I can’t, yet.
“Laking tulong na may kausap na kaibigan and family, lalong tulong na supportive ang partner… a simple hug ang paalaala na nandiyan lang siya, malaking bagay na. Sabi nga nila, it will be a little easier as days go by.”
(NORA V. CALDERON)
-
Rider na naaksidente, arestado
KALABOSO ang isang lalaking naaksidente sa motorsiklo kasama ang angkas na babae matapos laitin ang rumespondeng mga pulis para tumulong sa Valenzuela city. Si Gerald Ejan, 25 ng Road 3, Lingahan, Malanday ay sinampahan ng pulisya ng kasong unjust vexation, disobedience of lawful orders of persons in authority or their agents, paglabag sa R.A […]
-
Anti-Terrorism Act of 2020: Tiyakin na hindi malalabag ang karapatang pantao
Nilagdaan na ni President Duterte ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020 (Republic Act 11479) noong Biyernes. Ito ay sa kabila na maraming tutol sa batas sapagkat marami raw probisyon dito na maaaring maabuso ang karapatang pantao. Wala rin umano sa tiyempo ang pagkakapasa nito at halatang minadali ng mga mambabatas. Ang masaklap pa, ayon […]
-
2 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa Ateneo de Manila
KINUMPIRMA ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Remus Medina na dalawang katao ang namatay at isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila Gate 3. Ayon kay Medina, isa raw sa mga biktima ay agad isinugod sa ospital. Sa ngayon, hawak na raw ng PNP […]