• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Apektado nang malamang may abdominal cancer: ISKO, isa sa unang bumisita sa naging ka-tandem na si Dr. WILLIE

ISA si Isko Moreno sa mga unang dumalaw kay Dr. Willie Ong.

 

 

Sey pa ng Manila mayoral aspirant na ganun na lang daw ang pagdarasal niya para sa agarang paggaling na kaibigan niyang naging ka-tandem niya last presidential elections.

 

Kasalukuyang nakipaglaban si Doc Willie ngayon sa abdominal cancer.

 

Apektado si Yorme sa pinagdaraanang pagsubok ngayon ni Doc Willie matapos niyang mapanood ang video nito kung saan ibinalita nga niya ang tungkol sa pagkakaroon ng cancer at sumasailalim siya ngayon sa chemotherapy.

 

Nalulungkot daw siya sa natanggap na masamang balita pero naniniwala siya na hindi magpapabaya ang kaibigang doktor at lalabanan nito ang kanyang cancer.

 

***

 

SOBRANG nalungkot si Arjo Atayde dahil hindi siya napasama sa seryeng ‘Incognito’ na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Richard Gutierrez.

 

Bukod kasi sa pagiging aktor ay nanunungkulan din si Arjo bilang Congressman sa 1st District ng Quezon City.

 

Posibleng sa susunod na taon pa muling makagawa ang aktor at pulitiko ng isang serye.

 

“I’ve been gone for about five years. Marami na pong nangyari. Definitely I’m looking forward to coming back and to be back on my playground. I wanna work with everyone naman talaga. It really gives me the opportunity to learn more.

 

“Nagugulat din po ako sa ibang mga artista the way they did it kapag sinabing ‘Action!’ ng direktor,” banggit pa ni Arjo.

 

Kahit abala sa kabi-kabilang trabaho ay sinisikap naman ni Arjo na magampanan ang pagiging asawa kay Maine Mendoza.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • After magluto ay humirit ng, ‘Do I deserve a bag?’… HEART, isang mabilis na ‘no’ ang natanggap mula kay Sen. CHIZ

    VERY open ang actor na si Edu Manzano na dapat ay dumaan sa psychological test ang pilot na nag-vlog at lumikha ng isyu na diumano’y nag-power tripping si Vice President Leni Robredo at pina-priotize diumano ang pag-landing niya.     Itinanggi na ng management ng Cebu Pacific ang naturang isyu at kesyo under disciplinary action […]

  • PDU30 pormal ng tinanggap ang VP candidate nomination ng ruling party

    Malugod na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon sa kanya ng PDP-Laban bilang vice presidential candidate sa 2022 national elections.     Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa National Convention ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Proclamation of Candidates for the 2022 National and Local Elections ng […]

  • Navotas nakatanggap ng 250 doses ng pneumococcal vaccine mula sa DOH

    NAGBIGAY ang Department of Health (DOH sa pamamagitan ng pagsisikap ni dating Congressman at ngayo’y si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng 250 doses ng pneumococcal vaccine para sa Pamahalaang Lungsod.     Ibinunyag ng DOH na ang pneumococcal vaccine ay isa sa pinakamabisang bakuna kontra sa malubha at potentiall fatal pneumonia infections na […]