• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Apela ni Fernando sa mga kontratista: “Ibahin hindi lang isa kundi lahat ng anim na rubber gates ng Bustos Dam”

LUNGSOD NG MALOLOS- Sa kanyang pulong kamakailan kasama ang National Irrigation Administration, muling sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang hiling sa mga kontratista ng Bustos Dam na huwag lamang kumpunihin ang nasirang rubber gates sa Bay 5 kundi palitan ito ng anim na bago at may mataas na kalidad ng materyales.

 

 

“Dapat lamang palitan ang lahat ng rubber gate sapagkat hindi nasunod ang specification ayon sa nagpakasunduang materyales tulad ng nakasaad sa kontrata ng NIA. Bakit naman po mababang kalidad ng mga materyales ang ginamit sa rehabilitasyon ng Bustos Dam sa kabila ng malaking pondong inilaan dito?” ani Fernando.

 

 

Inihayag pa niya na noong bumagsak ang mga rubber bladder sa kwalipikasyon ng third-party testing ng isang kumpanyang Australyano, lalo nitong pinatunayan na mababa at kulang ang kalidad ng mga materyales na ginamit.

 

 

Tinawag ni Fernando ang sitwasyon bilang “an accident waiting to happen” bilang pagsasaalang-alang sa mga pag-aaral at ulat na nagpapakita na libong buhay at bilyong piso ang nakataya dito.

 

 

Idineklara ng gobernador ang kasalukuyang kondisyon ng Bustos Dam na kahalintulad sa sanhi ng kamatayan ng limang tauhan ng Bulacan Rescue sa San Miguel na ayon sa police report ay “nalunod sila nang bumigay ang pader na nagpakawala ng rumaragasang tubig”.

 

 

“Hindi po ako titigil hangga’t hindi natitiyak ang mga maliwanag at konkretong hakbang upang mabilisan at permanenteng masolusyunan ang problema na ito. Gusto kong makatiyak na ang Bustos Dam, at ang lahat na ating dam sa lalawigan ay nakatutugon sa mahigpit na pamantayan ng kaligtasan,” dagdag pa niya. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • PBBM, may peligrong magmukhang ‘weak leader’ o ‘lame duck’ kung malulusutan at matatalo ni VP Sara ang impeachment – pol. analyst

    NANINIWALA ang isang political analyst na maaaring magmukhang ‘weak leader’ o ‘lame duck’ si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung malulusutan ni Vice Pesident Sara Duterte ang impeachment attempt sa kanya.     Sinabi ni political analyst Ronald Llamas na ang naging kautusan ni Pangulong Marcos sa kanyang mga kaalyado sa Kongreso na huwag nang maghain […]

  • Ads October 10, 2024

  • Ads July 15, 2024