Apela sa publiko, huwag paniwalaan ang oposisyon
- Published on December 19, 2020
- by @peoplesbalita
NIRESBAKAN at muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang oposisyon na aniya’y nag-aambisyong makabalik.
Kaya ang panawagan ng Pangulo sa publiko ay huwag paniwalaan ang oposisyon na wala namang ginagawa kundi ang mamulitika.
“The things that you would know, huwag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yang bumalik.
Kasi kung maaari lang ibigay ko na lang para hindi na sisirain ang Pilipino. Hindi na tayo masira. Ibigay ko na lang. Iyong naiwan ko sige inyo na. Tapos na rin ako ilang taon na.
Sa katunayan, ang inaatupag ng oposisyon ay dumihan ang administrasyon para sila ang bumango at pumuti,” ayon sa Pangulo.
“Ito wala itong ginawa kung hindi mamulitika. Tama ‘yung sabi ni Bong “If you want to appear white, you paint the other person black.” Pinturahan mo ng itim at ika’y puputi. Painting the other guy black so that you would appear white. Iyan ang ginagawa nila. Pinipinturahan kami ng itim para bumango sila, maputi sila,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
At maging pati ang mga tinaguriang komunista na nakapasok na sa gobyerno ay binanatan din ng Pangulo na pawing dawit sa tinatawag na grand conspiracy.
Special mention naman ng Pangulo si Representative Carlos Zarate na aniya’y kanyang binabantayan.
“O tingnan mo anong ginawa ng…? Saan nakipagkunsabo pati itong mga komunista sa nakapasok sa gobyerno. Do you think that we will stop there? I said you are a member of a grand conspiracy of communism, lahat kayo. The act of one is the act of all.
Ikaw, Zarate, bantay ka. Medyo… Sabi niyo paalis na ako? Well, really?,” lahad ng Pangulo. (Daris Jose)
-
Tanggapan ni Robredo, nagpadala ng tulong sa ash fall-hit ng bayan ng Sorsogon
NAGBIGAY na ng relief goods ang Office of Vice President Leni Robredo para sa mga nakaranas ng ashfall mula Bulkang Bulusan. Ang Juban, Sorsogon ay nakaranas ng ashfall mula sa nasabing Bulusan Volcano. Sa kabilang dako, sa kanyang Facebook, sinabi ni Robredo na dumating na ang kanyang team at nagsimula nang […]
-
Orbon, Tsukii, iba pang karateka di sasantuhin ang COVID-19
WALANG paki sa novel coronavirus o COVID-19 sina Fil-Am Joan Orbon, foreign coach Okay Arpa at Fil-Jap Junna Tsukii, habang binabasa ninyo ito ay tapos na ang kanilang nilahukang United Arab Emirates World Karate Federation (WKF) Premier League sa Dubai sa Pebrero 14-16. Mula sa Manila sina Orbon at Arpa na pumunta ng UAE […]
-
Galvez: COVID-19 vaccination sa Pilipinas posibleng magsimula sa May 2021
BUMUBUO na raw ng national vaccine roadmap ang hanay ni Sec. Carlito Galvez Jr. kasunod ng kanyang appointment bilang Vaccine Czar. “Sa ngayon ang pinaka- importanteng ginagawa namin ay magkaroon tayo ng Philippine national vaccine roadmap. Bubuo tayo ng core group para maayos ang organisasyon from national to local government,” ani Galvez sa Laging […]