• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Aplikasyon ng special permits sa pagbiyahe sa Kuwaresma, bukas na – LTFRB

BUKAS na ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa special permits para makabyahe sa kasagsagan ng holidays ngayong taon tulad ng Mahal na Araw, All Saints day, All Souls Day, at Pasko.

 

 

Tatanggap ang LTFRB hanggang Marso 13 ng mga aplikasyon para sa special permits sa Mahal na Araw, layunin nito na matiyak na matutugunan ang pagdagsa ng mga pasahero na magsisiuwian sa kanilang mga probinsiya.

 

Maaring ihain ang aplikasyon sa Window 9 ng LTFRB Central Office sa Quezon City kalakip ng kumpletong requirements tulad ng Verified Petition, Latest OR/CR, Franchise Verification, Updated Personal Passenger Insurance at Address ng terminal.

 

Oras na maaprubahan, tanging ang mga pampasaherong bus na may special permit ang papayagang bumiyahe sa labas ng kanilang orihinal na ruta mula Abril 5 hanggang 13 ng kasalukuyang taon.

 

Pinaalalahanan din ng LTFRB na ang mga interesadong aplikante na 25 porsyento lamang sa kanilang total authorized units per franchise ang papayagan.

 

Kakailanganin lamang ang verified petition, latest registration documents, franchise verification, updated personal passenger insurance, at present proof ng terminal which na may ispesipikong ruta.

 

“For interested applicants, your complete requirements with the conditions stated must be filed at the Window 9 of the LTFRB Central Office,” pahayag ng LTFRB.

Other News
  • Press peeps, pasok sa HoF Review Committee

    BUBUO ang Philippine Sports Hall of Fame ng isang Review Committee para sa sports media practitioner upang makatuwang sa pagrebisa at ebalwasyon sa mga inonomina sa ikaapat na grupong mga iluluklok sa nasabing karangalan sa darating na Nobyembre.   Base sa Republic Act No. 8757 na kilala rin bilang PSHOF Act, tanging ang Screening Committee […]

  • PBBM pinahinto ang pagbabayad ng amortization ng mga benepisaryo ng Agrarian Reform

    NILAGDAAN ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order na nagpapataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad sa taunang amortization at ng interes ng agrarian reform beneficiaries.     Para ito sa mga lupang agrikultural na ipinamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).     Ayon sa Pangulo, ang isang taong […]

  • 2 tulak kalaboso sa P136K shabu sa Valenzuela

    KULUNGAN ang kinabagsakan ng dalawang sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr na nakatanggap ang mga […]