• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Appointed Son of God” na si Quiboloy, kayang ipagtanggol ang sarili sa Korte-Malakanyang

BILANG PRIBADONG indibidwal, kayang-kayang ipagtanggol ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy ang kanyang sarili sa korte.

 

 

Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na ianunsyo ng United States Department of Justice (US DOJ) na pumayag na ang co-accused ni Quiboloy na makipagtulungan sa US federal authorities sa gagawing paglilitis sa kanyang kaso sa Estados Unidos.

 

 

“We reiterate that Pastor Apollo Quiboloy of the Kingdom of Jesus Christ is a private individual. As such, he can defend himself in court in light of Maria de Leon’s recent action,” ayon kay Andanar sa isang kalatas.

 

 

Makailang ulit namang dumistansiya ang Malakanyang sa kaso ni Quiboloy sa Estados Unidos.

 

 

Matatandaang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipatutupad nito ang batas nang naayon sa gitna ng kinasasangkutang kaso ng kanyang spiritual adviser.

 

 

Si Quiboloy, isang televangelist na tinawag ang kanyang sarili bilang “Appointed Son of God,” ay spiritual adviser ni Pangulong Duterte.

 

 

Sa isang kalatas, inamin ni Los Angeles-based paralegal Maria de Leon , 73 taong gulang na nagmamay-ari ng Liberty Legal Document Services, na walong taon din siyang katuwang sa pagproseso ng pekeng kasal at visa kasama ang mga lider ng KOJC.

 

 

Gumamit umano ng mga mapanlinlang na dokumento ang KOJC para magkaroon ng permanent residency at US citizenship ang mga miyembro ng religious group na nangangalap ng pondo para sa isang bogus charitable organization.

 

 

Ayon kay Atty. Michael Jay Green, general counsel ng KOJC, hindi sila natatakot sa pakikipagtulugan ni De Leon sa mga awtoridad sa Amerika.

 

 

“There’s a reason why the government leaks this kind of information. They want people of the United States and the Philippines to read this stuff. And frankly, it’s garbage,” saad ni Green.

 

 

Idiniin din niyang hindi bogus ang charity ng simbahan.

 

 

Dagdag pa ng kampo ni Quiboloy, nais lang ng prosekusyon na kunin ang simpatya ng publiko.

 

 

“I think this is trial by publicity. They’re trying to get the sympathy of the public regarding the case against Pastor Quiboloy by bringing this out. This is very suspect, the timing is very suspect,” ayon kay Atty. Dinah Marie Tolentino-Fuentes, isa rin sa mga abogado ng KOJC.

 

 

Dati nang sinabi ni Quiboloy, na isang malapit na kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, na siya ay “Appointed Son of God” at “Owner of the Universe.”

 

 

Akusado si Quiboloy sa pagre-recruit ng mga babaeng edad 12 to 25 bilang personal assistant o “pastoral.” Kabilang umano sa mga obligasyon ng mga pastoral ang maghanda ng pagkain para kay Quiboloy, maglinis ng bahay nito, magbigay ng masahe at makipagtalik sa kaniya na tinawag na “night duty.”

 

 

Samantala, itinanggi ng mga abogado ng religious group ni Pastor Apollo Quiboloy na Kingdom of Jesus Crist (KOJC) na kaanib ng simbahan si Maria De Leon, ang 73 anyos na defendant sa kasong labor at sex trafficking na pumasok sa plea deal sa US Department of Justice. (Daris Jose)

Other News
  • Pres. Duterte nais pa ring pigilin ang anak na si Mayor Sara na ‘wag tumakbo sa pagkapangulo

    Hindi pa rin sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkapangulo ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.     Sa ginawang talk to the people nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na maaring tumakbo sa ibang pagkakataon na lamang ang Davao City mayor.     Dagdag pa nito, ang naging […]

  • 2 MANGINGISDA, NASAGIP NG COAST GUARD

    NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Calatagan ang dalawang mangingisda  ng tumaob na motorbanca sa baybaying tubig ng Cape Santiago Light Station sa  Calatagan, Batangas.     Ayon kay  PCG Station Batangas Commander, Captain Geronimo Tuvilla, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Vessel Traffic Monitoring System (VTMS) – Batangas na may iniulat na tumaob […]

  • Vaccine czar Galvez, nabakunahan na rin ng Sinovac

    Naturukan na rin ng Sinovac COVID-19 vaccine si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.     Isa si Galvez sa mga nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH), kung saan isinagawa ang ceremonial rollout.     Layon ng programang ito na palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa gitna ng hesitancy sa pagpapabakuna. […]