ARAL Law, mapahuhusay ang PISA performance ng mga estudyanteng Pinoy-Angara
- Published on December 18, 2024
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA si Education Secretary Sonny Angara na mapahuhusay ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law ang performance ng mga estudyanteng pinoy sa international assessments, gaya ng Program for International Student Assessment (PISA), sa ‘long term.’
Gayunman, Inamin ni Angara na ang agarang resulta ay hindi kaagad makikita sa panahon ng susunod na PISA, nakatakda sa Marso 2025.
“Pero definitely, sa pangmatagalan makakatulong siya dahil gaganda ang abilidad ng ating mga estudyante, especially ‘yung sinasabi na critical thinking… malalim mag-isip at iniisip ang kabuuanan,” ang sinabi ng Kalihim.
Ang ARAL Law, tinintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 2024, ay dinisenyo para tugunan ang ‘pandemic-induced learning gaps.’
Ang batas, tinukoy bilang legislative priority ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), nagtatag ng national learning intervention program para sa nahihirapang mag-aaral na ma-meet ang grade-level standards.
Base sa 2022 PISA results, ang Pilipinas ay nasa pang-anim na rank mula sa kulelat kabilang ang 81 nagpartisipang bansa at ekonomiya, sumasalamin sa ‘poor performance’ sa matematika, agham at pagbabasa.
Dahil dito, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Department of Education (DepEd) na iprayoridad ang improvements sa PISA scores ng Pilipinas. Layon ng ARAL Law na maging pangunahing hakbang tungo sa makamit ang nilalayon nito.
Ang implementing rules and regulations (IRR) ng ARAL Law ay nilagdaan, Lunes ng tanghali.
Samantala, binigyang diin naman ni Angara ang pokus ng batas para gawing mahusay ang mahalagang ‘thinking at foundational skills’ na sa kalaunan ay magpapataas sa performance ng mga Filipinong mag-aaral sa international assessments. (Daris Jose)
-
Celtics star Jaylen Brown, minultahan ng $25-K dahil sa ‘throat-slashing’ gesture
PINATAWAN ng $25,000 na multa si Boston Celtics star Jaylen Brown matapos ang ginawang pagkumpas nitong paghiwa sa kaniyang leeg. Naganap ang insidente ng mag-dunk ito sa harap ni Detroit Pistons forward Isaiah Stewart. Matapos ang tila poster-dunk nito kay Stewart ay isinagawa niya ang “throat-slashing” gesture na hindi […]
-
VP Sara dumalo sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee
DUMALO sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee ngayong araw si Vice President Sara Duterte kung saan nagpapatuloy ang pag imbestiga sa P612 million confidential funds. Nanumpa naman si VP Sara bago siya payagan magsalita sa pagdinig. Naging mainit ang palitan ng mga pahayag lalo at tinatanong din ni VP Sara ang […]
-
Tokyo Olympics organizer papayagan lamang ang 10-K na audience
Hanggang 10,000 Japanese fans ang papayagang makapunta sa mga lugar kung saan gaganapin ang mga laro ng Tokyo 2020 Olympics. Ayon sa organizer na ito ang kanilang napagkasunduan matapos na unang pagbawalang manood ang mga nasa ibang bansa. Ilan sa mga panuntunan na ipapatupad sa mga personal na manonood ay ang […]