Arci at Kiray, pinagkalooban din ng award: NDMstudios, pinarangalan bilang ‘Best Independent Film Studio’ sa Japan Filmfest
- Published on June 15, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG makasaysayang tagumpay ang nakamit ng NDMstudios sa katatapos lang na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.
Ang independent film studio na pinamumunuan ni Direk Njel de Mesa ay pinarangalan bilang “Best Independent Film Studio,” at nagmarka sa kasaysayan bilang unang independent film studio na naglabas ng anim na hindi pa naipalalabas na pelikula nang sabay-sabay sa isang international film festival.
“This humble local film studio brought Filipino pride by executing an exceptional feat in filmmaking,” ayon kay Raoul Imbach, isang respetadong miyembro ng hurado mula sa Swiss Embassy.
Punum-puno naman ng damdamin na tinanggap ni Ms. Jan Christine Reyes, Executive VP ng NDMstudios, ang mga parangal kasama ang mga kasamahan niyang mula sa NDMstudios Japan at Pilipinas.
Sa kanyang speech, pinasalamatan niya ang mga hurado, mga tagapag-organisa, ang Konsulado Heneral ng Pilipinas na si Roy Ecraela, si Mr. Takuji Sawada at ang mga opisyal ng “The Earth Inc.”, si Nestor Puno ng FCCJ, SBI Remit, miyembro ng hurado na si Mr. Raoul Imbach, at si Mr. Jared Dougherty, VP ng Sony Pictures Asia.
Si Arci Muñoz, isa sa mga producing partner ng studio, ay pinarangalan din bilang “Best International Filipino Actress” habang si Kiray Celis ay kinilala bilang “Most Versatile Comedienne” para sa kanyang papel sa “Malditas in Maldives” na dinirek ni Njel de Mesa.
Naroon din sa okasyon sina GMA Senior VP, Ms. Annette Gozon-Valdes, Senior Talent Manager para sa Sparkle, Tracy Garcia, pati na rin sina Chief Persida Acosta at Senador Bong Go.
Ang iba pang mga nagwagi ay sina Ms. Nora Aunor, Arnold Reyes, Daiana Menezes, Sanya Lopez, at Kelvin Miranda.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang isang malaking hakbang para sa NDMstudios kundi pati na rin para sa industriya ng pelikulang Pilipino sa pandaigdigang entablado.
(ROHN ROMULO)
-
Rollback sa diesel tuloy, presyo ng gasolina tataas
MAGPAPATUPAD ng magkakaibang galaw sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa kung saan tuloy ang rollback sa diesel at kerosene, habang tataas naman ang presyo ng gasolina. Sa advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corp, Caltex, at Seaoil Philippines Corp., parehong bababa ang presyo ng kanilang diesel at kerosene ng […]
-
Ads February 27, 2024
-
Dahil sa kakaibang husay sa pag-arte… ROYCE, umani ng mga papuri mula sa veteran cast ng ‘Makiling’
MULA nang magsimula noong 2024 bilang opening salvo ng GMA Public Affairs, ang revenge drama na ‘Makiling’ ay nabighani ng mga manonood sa bawat episode, at sa mga teaser nito na nakakuha ng milyun-milyong view online. Ang lead actress nito, Sultry Leading Lady Elle Villanueva, ay binihag ang madla sa kanyang kagandahan at […]