• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arcilla kinopo kampeonato ng San Carlos City Nat’l Netfest

SINUNGKIT ni Johnny Arcilla ang isa pang men’s singles Open trophy sa napaikling senaryo sa katitiklop  na PPS-PEPP San Carlos City National Tennis Championships pagkaretiro ni Jose Maria Pague sa second set dahil sa tama sa singit sa Negros Occidental.

 

 

Kinasangkapan ni Arcilla ang pagiging ismarteng beterano sa pagtarak ng 6-3 sa opening set sa diskarteng long baseline rallies at napasakamay ang isa pang kampeonato pagkalipas ng 6-4, 6-4 win kay doubles partner Ronard Joven noong Setyembre sa Puerto Princesa Open.

 

 

Nagmartsa ang top-seeded Davis Cup campaigner sa finals sa 6-4, 6-0 taob kay Jelic Amazona, habang kumayod si No. 2 Pague bago lumusot kay seventh ranked Nilo Ledama, 6-2, 5-7, 13-11, sa semis ng annual event na inisponsoran ni Mayor Rene Gustilo at dinaos kasabay sa pagdiriwang ng lungsod sa Pintaflores Festival.

 

 

Binasag agad ni Arcilla, nine-time PCA Open champion, si Pague sa umpisa at kinipkip ang bentahe sa pakikipagpalitan ng serbisyo sa sa bagong koronang hari ng Buglasan Open sa sumunod na pitong laro. Nag-rally siya pagkaraan sa 0-30 sa pangsiyam at winalis ang huling apat na puntos upang manaig sa set sa tampok na sagupaan  sa week-long event na isinabay sa  juniors division ng event na handog ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

 

 

Nakipagsabwatan pagkaraan si Arcilla, 42, kay Rodolfo Barquin para idemolis sina Ledama at Bryan Saarenas, 6-4, 6-2, sa pagkumpleto sa ‘twinkill’ sa men’s doubles habang kinopo nina Espie Divinagracia at Joana Tan ang women’s plum kontra kina Rosalie Clelo at Maddy Thomas, 6-2, sa torneong mga inayudahan ng  ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating).

 

 

Sumosyo sa top podium finish sina Inno Solo at Andrew Sojor, na nagbida sa Legend’s men’s doubles 40s laban kina Japeth Bartolome at Jojo Enad, 8-7(3); at Danilo Sajonia at Arturo Virata, na kinubra ang 50s diadem sa pagtalo kina Jojie Ansula at Paul Allego, 8-4.

 

 

Si Sajonia rin ang nangibabaw sa Legends men’s singles 45 age-group laban kay Roy Tan, 8-2, habang si Mclean Barraquias ang nananalo sa 35 singles plum sa parehas na iskor kontra Jun Tabura. (REC)

Other News
  • Remittance fee discount, libreng financial seminar para sa mga OFWs, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

    INAPRUBAHAN na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang dalawang panukalang batas na nagsusulong na maglaan ng karagdagang benepisyo sa mga overseas Filipino workers (OFWs).     Sa HB 10959, na inihain ni Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., layon nitong mabigyan ang mga ofws ng 50% discount sa fees o charges na ipinapataw sa remittances […]

  • Ads March 3, 2021

  • DICT, pabor na I-regulate ang paggamit ng TikTok sa Pilipinas

    Pabor ang Department of Information and Communications Technology na I-regulate ang paggamit ng Social media platform na TikTok sa Pilipinas.       Ito ang inihayag ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy kasunod ng paghahain ng bill sa Kamara de Representantes na naglalayong ipagbawal sa bansa ang mga Foreign adversary-controlled applications tulad ng TikTok.     […]