Ardina bumawi sa ST 2nd leg, biniyayaan ng P221K
- Published on April 7, 2021
- by @peoplesbalita
NASIRA si Dottie Ardina sa third at final round sa likod nang malamyang four-over par 74 pa-three-under 213 aggregate upang humilera anim para sa ikalimang puwesto na may $4,558 (₱221K) bawat isa sa pagtiklop nitong Lunes ng 16th Symetra Tour 2021 second leg – $150K IOA Championship – sa Morongo Golf Club-Tukwet Canyon sa Beaumont, California.
Palaban ang 27-anyos na dalagang tubong Laguna nang makatabla sa opening hanggang sa second round para sa ikalawang puwesto sa pagkaiwan lang ng one stroke bago nagging malamya sa pinale.
Pero maiging panresbak na rin niya ito buhat sa pagmintis sa cut at walang kinita sa ST opening leg $200K Carlisle Arizona Women’s Golf Classic nitong Marso 18-21 sa Mesa, Arizona.
Nawala rin sa porma ang isa pang pambato ng Pilipinas na si Bianca Isabel Pagdanganan sa worst round na 76 pa-218 at makabilang sa pito sa ika- 34 na puwesto na may katapat lang na $1,061 (₱51K) sa unang laro niya sa Symetra.
Mabuti-buti na rin kaysa sa muling na-cut sa kakulangan lang ng isang palo sa second round ng Pinay US-based na si Clarissmon Guce kaya bokya sa gantimpala sa iakalawang sunod na linggo. Inabot din siya ng cut din sa unang torneo sa taong ito ST. (REC)
-
Early registration para sa next school year magsisimula na sa Marso 25 hanggang Abril 30 – DepEd
MAGSISIMULA na ang early registration sa mga pampublikong elementarya at sekondarya para sa susunod na school year sa araw ng Biyernes, Marso 25 hanggang Abril 30. Base sa memorandum na nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones, maaari ng mag-preregister ang lahat ng incoming Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 mag-aaral sa lahat ng […]
-
Ads May 31, 2022
-
PCO, bibigyan ng bagong bihis, daragdagan ng mga bagong mukha
BIBIGYAN ng bagong bihis at daragdagan ng mga bagong mukha ang Presidential Communications Office (PCO). Ito’y matapos na tintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 16, inaprubahan ang reorganization ng Presidential Communications Office (PCO) para pagsama-samahin ang communications activities nito at tiyakin na episyente o epektibo ang serbisyong […]