• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ardina, Pagdanganan sali sa Women’s PGA

NAKAPASOK sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan ng Pilipinas sa susunod na major event ng United States 71 st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 na $3.4M KPMG Women’s PGA Championship sa Oktubre 8-11 sa sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania.

 

Pases nila ang kasalukyang katayuan sa LPGA money lists na rito’y nasa ika-90 si veteran Canlubang pro Ardina na may $50,272 sa pitong torneo na ngayong taon, samantalang ang si Quezon City rookie Pagdanganan ay may $18,944 sa apat na kompetisyon na lahat ay napasahan niya ang cutoff.

 

Pang-apat na world majors na ito ni Ardina, 26, makalipas sa 44 th British Open 2020 sa Scotland noong Agosto na naglagak sa kanya sa ika-64 na puwesto, 74 th US Women’s Open 2019 na tinapos niyang 62 nd ang kalagayan, at sa 65 th US Women’s PGA Championship 2019 kung saan hindi siya na-cut.

 

Buwenamanong major pa lang ito sa batang karera ng 22-taon na si Pagdanganan na ang best finish ay sa una niyang kompetion na LPGA Drive On Championship kung saan28 th place siya. (REC)

Other News
  • Pinaghandaan ang ‘Under A Piaya Moon’: JEFF, mas lalong magsisipag sa work sa pagwawagi ng Best Actor

    BAGAMA’T baguhan pa lang, nagpakita na ng husay sa pag-arte ang Sparkada hunk na si Jeff Moses.      Kelan lang at nanalo itong best actor sa Puregold CinePanalo Film Festival para sa pelikulang ‘Under A Piaya Moon’.     “Ito po yung sign na mas lalo ko pa pong pagsisipagan sa trabaho. Since I […]

  • Magpapainit ngayong Summer dahil sa sexy photos… JERIC, mas inspired ngayon sa career dahil kay RABIYA

    AMINADO ang tatlong bida ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan na sobrang ini-enjoy ni Elijah Alejo ang kanyang pagiging kontrabida nito sa kanila.     Kahit na raw tatlo sila na pinagtutulungan ang character ni Elijah na si Brianna, kayang-kaya raw sila nito at all-out daw kung magkontrabida ito […]

  • Babalik agad dahil sa bagong serye: BARBIE at DAVID, nasa South Korea na para mag-shoot ng movie

    NAKAALIS na today, May 22 sina Barbie Forteza at David Licauco, papunta sila sa  South Korea,  to shoot a movie.      Ayon ito sa report ni Lhar Santiago sa “24 Oras”.  The Sparkle stars are doing a romantic comedy film titled “That Kind of Love,” na iri-release not only in the Philippines but also […]