Argentina nilampaso ang Poland sa Group C knockout game ng FIFA World Cup
- Published on December 2, 2022
- by @peoplesbalita
Pinatunayan ng Argentina ang kanilang mataas na ranking sa FIFA matapos talunin ng Poland sa knockout Group C stage game.
Unang nakapagtala ng goal si midfielder Alexis MacAllister para madala sa 1-0 ang ranked number 3 na Argentina sa laro na ginanap sa Stadium 974 sa unang bahagi ng laro.
Pagpasok ng second half ay matagumpay na naipasok ni Julian Alvarez ang goal para maiwan sa 2-0 ang ranked 26 na Poland.
Itinuturing na bayani ng Poland si Wojciech Szczesny ng maharang ang penalty kick ni Messi.
Sinubukan ng Poland na pinangungunahan ng kanilang star player na si Robert Lewandowski subalit naging matindi ang depensa ng Argentina.
Kahit na talo ay pasok pa rin sa last 16 ang Poland kung saan makakaharap nila ang France habang ang Argentina ay makakaharap ang Australia. (CARD)
-
Nasawi sa bagyong ‘Egay’ sumirit sa 29; Nasalanta lagpas 3-M na — NDRRMC
PAPAAKYAT pa rin ang bilang ng mga binawian ng buhay buhat ng nagdaang Super Typhoon Egay at pinalakas nitong habagat, ito habang aabot na sa halos 300,000 ang lumilikas mula sa kanilang mga tahanan. Ito ang ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong tumabo na sa 3.02 milyon ang naaapektuhan […]
-
APAT NA MILYONG BAGONG BOTANTE, TARGET NG COMELEC
TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maabot ang hanggang apat na milyong bagong botante bago ang itinakdang deadline ng pagpapatala sa Setyembre 30. Ayon sa Comelec, umabot na sa 2,770,561 ang kabuuang bilang ng mga nagpapatala para sa halalang nasyonal sa Mayo 2022. Naitala ang may pinakamaraming nagparehistro ang mga […]
-
Preparasyon sa FIBA World Cup pukpukan na
IKAKASA na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang puspusang paghahanda para sa FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas sa susunod na taon. Buo na ang grupong magpapatakbo ng torneo para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng FIBA World Cup sa Pilipinas na tatakbo mula Agosto 10 hanggang Set-yembre 25. […]