ARJO, first choice sa ‘Yorme’ at tinanggihan din ni MATTEO kaya napunta kay XIAN
- Published on April 26, 2021
- by @peoplesbalita
SA June ang target release date ng Yorme, ang film bio ni Manila Mayor Isko Moreno.
Ayon sa nasagap namin chika, June 24 ang premiere ni Yorme at gagawin ito sa Manila Metropolitan Theater, na muling bubuksan sa publiko matapos ang rehabilitation nito.
Naantala raw ang shooting ng Yorme matapos maging ECQ ang status sa Metro Manila dahil sa muling pagdami ng Covid-19 cases.
Nitong Miyerkokes lang daw nag-resume ng shoot si Direk Joven Tan at ang kanyang staff. Kaya abangan natin kung tuloy ang showing ng Yorme sa June 24, na Araw ng Maynila.
Si Arjo Atayde pala ang first choice ni Mayor Isko to play himself as the politician. Hindi lang namin alam bakit di siya natuloy.
Second choice si Matteo Guidicelli na nag-backout kahit na he wanted to do the role kasi worried siyq he can’t give justice to the role of a politician.
The role finally fell on Xian Lim’s lap.
Ang ABS-CBN young actor na si McCoy de Leon ang gumaganap sa role ng teenager na Isko.
Ito ‘yung parte ng buhay ni Isko before he was discovered for showbiz and eventually became a mainstay of That’s Entertainment.
Marami na ang nabago da buhay ni Yorme since then. Pumasok siya sa politika, una bilang councilor, vice mayor tapos tumakbo siyang mayor until nagwagi siya three years ago.
Marami sa constituents niya sa Maynila ay masaya kung paano tina-transform ang imahe ng Maynila from what it was before. Gusto ni Isko na maibalik ang glory days ng Manila when it was the nation’s capital.
Wish na buuin ni Isko ang full term niya bilang Mayor ng Maynila para magawa niya lahat ng mga projects niya for the improvement of the city.
***
WALA man prangkisa ang ABS-CBN pero hindi ito hadlang para naisin nina Sunshine Dizon at Lovi Poe na lumipat sa Kapamilya Channel.
Longtime mainstays ng Kapuso network sina Sunshine at Lovi pero tumalon na sila sa network sa Mother Ignacia.
Hindi na raw ni-renew ni Lovi ang kanyang kontrata na nag-expire last year.
Hindi naman daw inalok ng contract renewal si Sunshine kahit lumipat din ito.
Marahil may magandang offer ang Kapamilya channel sa dalawa kaya nagdesisyon silang subukan ang kanilang kapalaran sa Kapamilya channel. (RICKY CALDERON)
-
Pamahalaan naghahanap pa ng ibang rail financing mula sa ibang bansa
NAGHAHANAP pa ng ibang rail financing sources ang pamahalaan mula sa ibang bansa matapos magbigay ng exorbitant rates sa interest ang bansang China. Samantala patuloy na nakikipag negotiate pa rin naman ang pamahalaan sa bansang China para sa mga proyekto sa railways habang naghahanap na rin ng ibang funding sources ang Pilipinas. […]
-
KATRINA, wini-wish ni Direk LOUIE na manalo ng acting award sa ‘AbeNida’
NATAPOS na ni Direk Louie Ignacio ang shooting ng kanyang passion project titled AbeNida under BG Productions International. Matagal nang pangarap ni Direk Louie na gawin ang kwentong ito na ang script ay isinulat ng award-winning writer-director na si Ralston Jover. It took eight years before AbeNida came into fruition. Hinintay […]
-
Ads September 29, 2021