ARJO, ire-revive ang character ni AGA sa international thriller series na ‘The Rebirth of the Cattleya Killer’
- Published on September 30, 2021
- by @peoplesbalita
GUMAWA na naman ng ingay ang Asia’s Best Actor na si Arjo Atayde nang ilabas ang teaser ng newest project na may tag na ‘Rebirth of the Truth’ na ipo-produce ng ABS-CBN International Production & Co-Production.
In-announce naman sa TV Patrol noong Martes nang gabi na sa naturang serye na intended for international release ay ire-revive ni Arjo ang tumatak na character na ginampanan ni Aga Muhlach sa 1996 thriller movie na Sa Aking Mga Kamay na kung saan nakasama niya sina Christopher de Leon at Chinchin Gutierrez.
May titulo ito ngayon na The Rebirth of the Cattleya Killer na ididirek ni Dan Villegas at kaabang-abang din kung sino ang mapipili para gumanap na Christopher at Chinchin, na malalaman sa mga darating na araw.
Malaking challenge ito para kay Arjo na muling ipamalas ang husay niya na bilang aktor na hinangaan hanggang sa ibang bansa, na nagbunga ng pagkapanalo niya sa Asian Academy Creative Awards 2020 para sa Bagman series.
Kaya naman natuwa rin ang netizens at comment nila at may payo din sa pagpasok nila sa pulitika na mukhang wala na ring atrasan:
“Eto dapat ang binibigyan ng project, gwapo na magaling pa.”
“Pero pag tatakbong kandidato yan, bawal ilabas ang project during campaign period ha?”
“International project coming up! Perfect for someone who won a Best Actor award! Galing!”
“Eto talaga yung magaling na aktor sa henerasyon niya.. kahit anong role kaya.. mapa bida or kontrabida.. its good na binibigyan siya ng magandang project ng ABS CBN..”
“My BEST ACTOR!”
“A real good man! Congrats sa new project !”
“Sana kasing ganda ng ‘Bagman’. Aabangan ko to.”
“His series “Bagman” was award winning. Dun din siya nanalo ng international best actor award. Feeling ko same vibe ito.
“Sana wag na siya tumuloy sa pulitika at magfocus nalang sa pag-arte. Mas mag-e-excel siya diyan. Masisira lang siya sa politics.”
“Galing na galing ako dito sa ‘Bagman’ niya. I first discovered him in ‘Ang Probinsyano’ and nilamon niya si Coco dun kahit bago pa lang siya. “Then sa ‘Buy Bust!’ Kala mo siya ang bida kasi yung 15min role niya lang ang tumatak sa buong movie, ganun kagaling. Buti nasundan! The poster looks promising.”
“Magaling tong si Arjo. Maganda yung series nya sa Netflix na Bagman. Abangan ko to!”
“Nakaka-excite naman. Pakahusay na aktor nito. Idol!”
“’Yung nakakagwapo kay Arjo yung boses nyang malamig na mababaw arrghhh!!!”
Congrats Arjo and goodluck sa bonggang-bongga na international project.
(ROHN ROMULO)
-
KONGRESISTA SA CALOOCAN AT ILANG MGA KONSEHAL, SUMANIB SA AKSYON DEMOKRATIKO NI ISKO
MULA sa Partido Liberal, sumanib sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na Aksyon Demokratiko si Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice kasama ang ilang mga konsehal sa nasabing lungsod ngayong araw. Pinangunahan ni Domagoso ang isinagawang “oath-taking ceremony” nina Erice at mga kasamang konsehal nito sa Kapetolyo na matatagpuan sa […]
-
PBBM, suportado ang ‘Matatag Curriculum’ ng DepEd
NAGPAHAYAG ng suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa “MATATAG Curriculum” ng Department of Education (DepEd). Sinabi nito na ito’y mahalagang programa na akma sa mga mag-aaral na Filipino. “This is very significant because…sinusubukan nating gawin at ayusin ang curriculum para mas bagay sa pangangailangan ng mga batang Pilipino,” […]
-
Ex-US first lady Hillary Clinton nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO sa COVID-19 si dating US first lady Hillary Clinton. Sa kanyang social media account ay kinumpirma ng dating secretary of state at two-time presidential candidate na ito ay dinapuan ng nasabing virus. Nagpasalamat na rin ito dahil bakunado na siya laban sa COVID-19 kaya hindi siya gaanong nakaranas ng matinding […]