• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARJO, representative ng Pilipinas sa‘Asian Academy Creative Awards’

NAGULAT si Arjo Atayde dahil siya ang napiling representative ng Pilipinas sa December’s Grand Awards and Gala Final sa kategoryang Best Actor in a Lead Role sa katatapos na Asian Academy Creative Awards 2020 National winner para sa iWant Original series na Bagman.

 

Nang mapanood ang unang sea- son ng Bagman ni Arjo ay iisa ang sinabi ng lahat, makakakuha ng best actor award ang aktor dahil sa napakahusay nitong pagganap bilang si Benjo Malaya na isang barbero na sa ikalawang season ay naging gobernador.

 

Makakatunggali ni Arjo sina Luo Jin (China) para sa Royal Nirvana, 2019 Chinese television series based on the novel of the same name by Xue Man Liang Yuan Jetsen Huashi Wangju Cultural Media Youku; Anthony Wong (Hongkong), The Repub- lic HK Television Entertainment Company Viu TV; Manoj Bajpayee (India), The Family Man D2R Films Amazon Prime Originals; Miller Khan (Indonesia), Assalamualaikum Calon Imam Viu Indonesia; Bront Palarae (Malaysia), The Bridge Season 2 Vuclip Malaysia and Double Vision at Kha Ra (Myanmar), Spirit of Fight Sea- son 2 Canal and Myanmar Production.

 

Ang Bagman season 1 ay umabot sa 12 episodes na idinirek ni Shugo Praico asinulat nina Philip King at Lino Cayeno handog ng Dreamscape Entertainment at Rein Entertainment.

 

Maraming karakter na ang ginampanan ni Arjo sa mga TV series na nilabasan niya simula nu’ng nagsimula siya sa showbiz.

 

Sa FPJ’s Ang Probinsyano umingay ng husto ang pangalan ni Arjo bilang si Joaquin Tuazon na kinamuhian ng lahat bilang kontrabida ni Coco Martin as Cardo Dalisay, sinundan ng The General’s Daughter bilang si Elai na may autism.

 

Pero hindi rin siya malilimutan sa mga seryeng E-Boy kung saan sinabihan siya ni direk FM Reyes na ‘mahusay ka’, Dugong Buhay, Pure Love at Hanggang Saan na kasama niya ang inang si Sylvia Sanchez.

 

Markado rin ang mga karakter na ginampanan ni Arjo sa ilang beses niyang paglabas sa Maalala Mo Kaya tulad ng Bangka 2012, Tsubibo, 2013, Dos por Dos 2014, Liham 2014, Pictures 2015, at Itlog 2016.

 

Kaya sa December’s Grand Awards and Gala Final ng Asian Academy Creative Awards 2020 ay naniniwala kaming malakas ang laban niya sa mga nabanggit na katunggali. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • 51% ng pamilyang Pilipino, iniuri ang kanilang sarili bilang mahirap- SWS

    UMAABOT ang iniuri ang kanilang sarili na mahirap noong Marso ng kasalukuyang taon batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).     Isinagawa ang naturang survey mula Marso 26 hanggang 29 ng kasalukuyang taon sa face to face interviews sa 1,200 Pilipino edad 18 pataas sa Metro Manila, balance Luzon, Visayas at Mindanao. […]

  • Nagluluksa rin sa pagpanaw ng dating manager: KRIS, sising-sisi at nanghinayang na ‘di nag-reach out kay DEO

    SISING-SISI at nanghinayang si Kris Aquino na hindi man lang siya nag-reach out noong nabubuhay pa ang yumaong si Deo Edrinal. Sa kanyang Instagram post, isang mahabang mensahe ng pagpupugay ang isinulat ni Kris na  kay Deo. Ibinahagi ni Kris ang kanyang panghihinayang na hindi man lang nakarating sa kanya nang lumalala na ang kalusugan […]

  • Pinoy cue artist Biado ibinahagi ang sekreto sa pagkapanalo sa US Open Billiard

    Ibinahagi ni Filipino billiard champion Carlo Biado ang naging susi sa pagkakuha nito ng kampeonato sa US Open Pool Championship.     Sinabi nito na kung hindi dahil panghihikayat ng kaniyang asawang si Niecky na magtungo sa US ay hindi nito makukuha ang kampeonato.     Wala kasing mga torneo sa Pilipinas dulot ng COVID-19 […]