Arocha nasasabik sa Lady Chiefs
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
NANANABIK ang incoming Philippine SuperLiga (PSL) rookie na si Regina Arocha ng Sta. Lucia Lady Realtors sa kanyang alma mater na Arellano University at sa women’s volleyball team nitong Lady Chiefs.
Pero sanhi ng coronavirus dis- ease 2019 (Covid-19) at pagkakansela ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 nitong Marso, hindi natapos ng 23 taong-gulang na open spiker ang huling karera sa women’s volleyball tournament pati ang akademiks.
“Will surely miss playing with this name in front of my jersey, AU, with my name at the back of it, Arocha. #drop your_sport_challenge,” paskil ng dalagang two-time Finals MVP at three-time NCAA champion sa kanyang Facebook post nitong isang araw. (REC)
-
Pagpapalawig ng ECQ may ilang bilyong pisong epekto sa ekonomiya – ECOP
Mayroong malaking epekto sa ekonomiya ang panibagong pagpapalawig ng isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region at sa apat na karatig na lugar nito. Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr na bilyong piso ang magiging lugi ng mga negosyosa nasabing panibagong isang linggong ECQ. […]
-
PDu30, personal na nagpaabot nang pagbati sa mga miyembro ng PSG na nakapasa sa Bar exams
PERSONAL na binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na pumasa sa 2020/2021 bar examinations. Sa isang text message, sinabi ni PSG spokesperson Major Zeerah Blanche Lucrecia, na nakipagkita ang mga bar passers kay Pangulong Duterte para sa isang photo opportunity sa Malago Clubhouse sa Malakanyang […]
-
Higit 1K bilanggo sa Manila City Jail may TB
INIULAT ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mahigit 1,000 bilanggo sa Manila City Jail ang dinapuan ng pulmonary tuberculosis. Tiniyak naman ni BJMP National Capital Region (NCR) spokesperson Midzfar Omar na ang mga naturang preso ay kasalukuyan nang naka-isolate at nilalapatan ng lunas. Mayroon pa umanong nasa 200 […]