• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ARTA tinutulak ang pagaalis ng TPL insurance ng mga sasakyan

Ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ay sinusulong ang pagaalis ng third party liability (TPL) insurance na isang requirement sa pagrerehisto ng sasakyan para sa mga mayron nang comprehensive automotive insurance policy.

 

 

Isang recommendation ang pinahatid ni ARTA director general Jeremiah Belgica sa Land Transportation Office (LTO) kung saan niya sinabi na ang requirement ay isang kalabisan na at magiging dagdag lamang sa gastos ng mayari ng sasakyan.

 

 

“I implore them to look into it and reconsider waiving the requirement provided that the vehicle owner can show proof of comprehensive insurance,” wika ni Belgica.

 

 

Ang TPL ay isang uri ng insurance na kinailangan para sa mga registradong sasakyan upang mabigyan ng proteksyon ang mayari ng sasakyan laban sa third party incidents o pagkamatay dahil sa paggamit ng sasakyan.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang comprehensive automotive insurance ay kailangan dahil ito ay inuutos ng batas na nagbibigay ng mas malaking coverage sapagkat naglalaan ito ng magandang proteksyon laban sa third party accidents.

 

 

Dagdag pa ni Belgica na ang ARTA ay gumagawa ng paraan upang maalis ang overregulation at mga hinding kailangan mga requirements sa mga proseso sa pamahalaan upang mabawasan ang hirap na nararanasan ng mga tao sa mga transaksyon, para rin mapasimple ang proseso at magbigay ng good governance.

 

 

“This is all in line with our intensified campaign against fixers through entrapment operations,” saad ni Belgica.

 

 

Nakikipagtulungan din ang ARTA sa Department of Transportation (DOTr) upang paalalahanan ang Private Emission Testing Centers and Motor Vehicle Emission Control Technicians at ang Insurance Commission (IC) na hindi dapat sila makipagsabwatan sa mga fixers.

 

 

“They should be aware that collaborating with fixers for economic and/or other benefits or advantage is a violation of Section 21 under Republic Act 11032, otherwise known as the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018,” dagdag ni Belgica.

 

 

Ang RA11032 ay naglalayon na mapasimple ang mga proseso at mga pamamaraan sa mga serbisyo ng pamahalaan.

 

 

Ayon pa rin kay Belgica ang DOTr ay sumagot na sa kanilang pakiusap na magbigay ng advisory sa mga PETCs at MVECTs sa mga serbisyong pinapayagan na kanilang ibigay. Nakipagugnayan na rin sila sa LTO at IC tungkol sa nasabing issue.

 

 

Patuloy pa ang ARTA na nakikipagtulungan sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group at iba pa ahensya ng pamahalaan upang maalis ang mga fixers sa bansa.  LASACMAR

Other News
  • BRAVEST MEN, HANAP NG VALENZUELA LGU

    NANANAWAGAN ang Pamahalaang Lokal ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian sa mga matitikas at pinakamatatapang na lalaki sa lungsod na makilahok sa laban kontra COVID-19 bilang rescue personnel.     “Calling Valenzuela City’s bravest men! Join the COVID-19 battle as part of the City’s Rescue Team!” ani Mayor Rex.     Dapat aniya […]

  • Asian Boxing C’ships kinansela

    Kinansela ang Asian Boxing Championship sa India na lalahukan sana ng national boxing team bilang paghahanda sa Tokyo Olympics.     Nakatakda sanang magtungo ang Pinoy pugs sa New Delhi para magpartisipa sa Asian meet na lalarga mula Mayo 31-31– ang final tuneup ng Tokyo-bound boxers.     Subalit kinansela ito ng mga organizers matapos […]

  • ‘Di na makakasama si Ruru dahil sa ‘Black Rider’: Grupo nina MIKAEL, babalik sa South Korea para sa ‘Running Man PH 2’

    LILIPAD na sa isang linggo ang cast ng ‘Running Man Philippines 2’ patungong South Korea.     Si Mikael Daez mismo ang nag-announce nito sa guesting nila sa ‘All-Out Sundays’ nito lamang Linggo.     Kasama ni Mikael sa season 2 ng naturang show sina Glaiza de Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian at […]