ASEAN, dapat na magpakita ng “commitment” sa free trade-PBBM
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
DAPAT nang magpakita ng kanilang commitment ang ASEAN member states para sa prinsipyo ng free trade o malayang kalakalan.
Ang malayang kalakalan ay isang patakaran kung saan ang isang pamahalaan ay hindi nangingilala o walang kinikilingan o walang diskriminasyon laban sa mga pag-aangkat ng mga kalakal, o kaya ay hindi nanghihimasok sa mga pagluluwas ng mga kalakal.
Sa isinagawang plenary session ng 42nd ASEAN Summit, binanggit ni Pangulong Marcos ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na ipatupad ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement.
“ASEAN should demonstrate its commitment to the principle of free trade and to the multilateral trading system. I am pleased to announce that the Philippines has deposited its instrument of ratification for the Regional Comprehensive Economic Partnership or RCEP agreement,” ayon kay Pangulong Marcos.
Kumpiyansa ang Pangulo na susuportahan ng RCEP ang pagkakasama ng mga maliliit na negosyo sa international economy.
“We are optimistic that RCEP will serve as an engine of growth that will help build more resilient supply chains to support the integration of micro, medium, and small scale establishments into the global economy,” dagdag na pahayag nito.
Noong nakaraang buwan, inaprubahan ni Pangulong Marcos ang panukalang executive order na naglalayong “operationalizing the country’s tariff commitments under the RCEP. ”
Ayon kay National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan, makatutulong ito na maisulong ang pagsisikap ng administrasyon “toward achieving deep social and economic change leading to a prosperous, inclusive, and resilient Philippines.”
Samantala, sinabi pa ni Pangulong Marcos na layon ng Pilipinas na palakasin ang food security sa kabila ng global challenges.
“We must ensure that our food and energy systems are resilient in the face of supply and price fluctuations triggered by geopolitical instability and conflict, pandemics, climate change, logistic chain disruptions, and fuel shortages,” ayon sa Chief Executive.
“The Philippines aims to strengthen food security and production efficiency [through] the use of new agricultural technologies, upgrading technical and vocational education and training, and adapting climate- and disaster-resilient technologies,” dagdag na wika nito.
Binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan para sa ASEAN na palakasin ang cross-border connectivity at interoperability ng digital framework nito.
“We must forge a vibrant digital economy and ensure that our people are equipped with the digital scales [of] the future so that no one is left behind in the midst of our world’s digital transformation,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Kelot isinelda sa baril sa Caloocan
HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Eduardo Ocampo Jr alyas “Jun Tattoo” ng Block 25, Lot 24 Madrid Street Tierra Nova, […]
-
Radyo5, may new look at identity bilang 92.3 TRUE FM: TED, naniniwalang mag-i-evolve ang lahat pero mananatili ang radyo
MAPAPAKINGGAN na ang totoong tunog ng serbisyo publiko mula sa bagong Radyo5. Ginanap sa Quezon Memorial Circle noong Marso 11 ang isang buong araw na grand launch para sa bagong look at identity ng Radyo5 bilang 92.3 Radyo5 TRUE FM, na ngayon ay pina-level-up ang larangan ng pamamahayag sa radyo sa pamamagitan ng […]
-
Pamilya Donaire nakatutok sa laban bukas sa The Filipino flash
NAKATUTOK ang pamilya Donaire dito sa lungsod sa laban bukas ni WBC bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa Japanese boxing star na si WBA, IBF champion Naoya Inoue. Sa interview umapela ng pagdarasal sa publiko si Lolit Donaire-Damalerio, residente ng Barangay Bula para sa pagkapanalo ng kanyang pamangkin . […]