Asian Boxing C’ships kinansela
- Published on April 28, 2021
- by @peoplesbalita
Kinansela ang Asian Boxing Championship sa India na lalahukan sana ng national boxing team bilang paghahanda sa Tokyo Olympics.
Nakatakda sanang magtungo ang Pinoy pugs sa New Delhi para magpartisipa sa Asian meet na lalarga mula Mayo 31-31– ang final tuneup ng Tokyo-bound boxers.
Subalit kinansela ito ng mga organizers matapos tumaas ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) doon.
Sinabi ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson na posibleng ilipat na lamang ito sa ibang lugar.
Ayon kay Picson, pinag-aaralan pa ng Asian Boxing Confederation (ABC) kung saan ito maaaring ganapin at tinitignan ang United Arab Emirates at Bahrain na posibilidad na pagdausan ng torneo.
-
Ancajas may mga adjustments na binago para sa rematch niya kay Martinez
BINAGO ng kampo ni Jerwin Ancajas ang mga teknik na ipinapagana. Sinabi ng kaniyang coach na si Joven Jimenez, ang mga adjustments na kanilang ipinatupad ay para hindi na maulit ang nangyaring pagkatalo ng Filipino boxer kay Fernando Martinez ng Argentina. Ang nasabing mga adjustments ay para mabawi nito ang kaniyang […]
-
Pagtama ng COVID 19 kay Vaccine czar Carlito Galvez at sa pamilya nito, katunayan na hindi dapat pang magpaka- kampante- Sec. Dizon
HINDI dapat maging kampante ang publiko laban sa Covid 19 matapos na tamaan ng nasabing sakit si Chief Implementer Carlito Galvez at pamilya nito. Malinaw lamang ani Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon na naririto pa ang virus sa bansa. Bahagi ito ng naging ulat ni Dizon kay Pangulong Rodrigo Roa […]
-
3 naaktuhan nagtatarya ng shabu sa loob ng jeep sa Valenzuela
SA kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagtatarya umano ng shabu sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon. Sa report ni SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:20 […]