• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Assassination plot laban sa VP, peke

IBINASURA ng isang mambabatas ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na may assassination threat sa kanya.

 

 

 

Ayon kay Assistant Majority Leader Jude Acidre, peke ang alegasyon na ito batay na rin sa pahayag nina Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Padilla at Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, na walang banta laban sa vp.

 

 

“The supposed assassination threats against Vice President Duterte are fake—completely unfounded and baseless,” ani Acidre.

 

 

Maihahambing aniya ito sa pinekeng pagkakilanlan nina “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin,” na umanoy tumanggap ng confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

 

 

Idinagdag nito na kung mayroon mang pagbabanta ay walang ibang gumagawa nito kundi ang bise presidente umano mismo.

 

 

Tinukoy nito ang kontrobersiyal na pahayag ni Duterte na may nakausap itong indibidwal na targetin sina Presidente Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung sakaling may mangyari sa kanya.

 

 

Nagsagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pahayag na ito ni Duterte.

 

 

ikinumpara niya ang alegasyon na ito sa pekeng pagkakilanlan nina “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin,” mga pangalan na nakalagay sa acknowledgment receipts na isinumite ng OVP at DepEd sa Commission on Audit para sa confidential funds ns nagkakahalaga ng P612.5 million.

 

 

Nabunyag na walang pangalan na nakita ang Philippine Statistics Authority.

 

 

Sinabi naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman, House Committee on Women and Gender Equality chairperson, na walang basehan ang pahayag na threat sa kanyang buhay.

 

 

“Honestly, wala akong naramdaman o na-perceive na pagbabanta sa buhay ng ating Bise Presidente. Looking at the videos of her threats against the President and her claim na siya ang pinagbabantaan ng buhay, parang ang interpretation ko doon ay parang it’s a call for help,” ani Roman.

 

 

“Maybe naghahanap siya ng simpatiya mula sa kanyang mga supporters. For me, it’s non-existent. Hindi ako naniniwalang may pagbabanta talaga sa buhay ni VP Sara.”

 

 

Hinikayat naman ni Acidre ang vp na magpresenta ng katunayan at ebidensiya kung tunay ang kanyang alegayson.

 

 

“I hope the Vice President considered that before making such statements, they should present evidence that has been examined and confirmed by our police and military,” pagtatapos ng mambabatas. (Vina de Guzman)

Other News
  • Ads December 20, 2023

  • Miami Heat nakuha ang Game 1 sa pagsisimula ng NBA semifinals vs Phildelphia Sixers

    NAKUHA ng Miami Heat ang unang panalo sa Game 1 matapos na itumba ang Philadelphia Sixers sa score na 106-92 sa simula ng Eastern Conference semifinal series.     Nanguna sa diskarte ng Miami si Tyler Herro na kumamada ng 25 points at si Bam Adebayo na nagtala ng 24 points at 12 rebounds.   […]

  • Ads January 22, 2020