• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AstraZeneca ipinatigil muna

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccine sa mga edad 59 pababa kasunod ng abiso ng Food and Drug Admi-nistration (FDA) dahil sa ulat na may mga nabakunahan ang nakaranas ng blood clotting o pamumuo ng dugo at pagbaba ng platelet count.

 

 

“We are aware of the recommendation of the European Medicines Agency (EMA) to list blood clots as very rare side effects of the AstraZeneca vaccine,” ani FDA director general Eric Domingo.

 

 

Ayon sa opisyal, ba­gama’t wala pang naitatalang kaso ng pamumuo ng dugo at mababang platelet count sa mga nabakunahan ng AstraZeneca sa Pilipinas, ay kailangan ihinto ang pagbabakuna para matiyak ang kaligtasan ng populasyon.

 

 

Tiniyak naman ng DOH at FDA sa publiko na masusing pinag-aaralan na ng mga eksperto ang mga impormasyon kaugnay sa mga pangyayaring ito upang ma-kagawa ng nararapat na rekomendasyon sa paggamit ng nasabing bakuna.

 

 

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang kaso hinggil sa side effects ng nasabing bakuna ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC).

 

 

Nilinaw naman ni Do­mingo na bagama’t si­nuspinde ang pagbabakuna ng AstraZeneca, hin­di nangangahulugan na delikado at hindi epektibo ang nasabing bakuna.

Other News
  • Ads May 7, 2021

  • MARCOS, DUTERTE GIVE WARM GREETINGS TO ROMUALDEZ ON DAY OF OATH-TAKING

    TACLOBAN CITY – THE top two incoming leaders of the country, President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and incoming Vice President Sara Duterte, gave warm congratulatory remarks to House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez Wednesday morning during the occasion of the latter’s oath-taking as the reelected Leyte 1st District congressman.   […]

  • Lider ng “Jamal Criminal Gang”, 1 pa kalaboso sa P816K shabu sa Caloocan

    SWAK sa kulungan ang dalawang drug suspects, kabilang ang lider ng “Jamal Criminal Gang” matapos makuhanan ng mahigit P.8 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan City.     Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt. Col. Renato Castillo kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN […]