• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AstraZeneca ipinatigil muna

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccine sa mga edad 59 pababa kasunod ng abiso ng Food and Drug Admi-nistration (FDA) dahil sa ulat na may mga nabakunahan ang nakaranas ng blood clotting o pamumuo ng dugo at pagbaba ng platelet count.

 

 

“We are aware of the recommendation of the European Medicines Agency (EMA) to list blood clots as very rare side effects of the AstraZeneca vaccine,” ani FDA director general Eric Domingo.

 

 

Ayon sa opisyal, ba­gama’t wala pang naitatalang kaso ng pamumuo ng dugo at mababang platelet count sa mga nabakunahan ng AstraZeneca sa Pilipinas, ay kailangan ihinto ang pagbabakuna para matiyak ang kaligtasan ng populasyon.

 

 

Tiniyak naman ng DOH at FDA sa publiko na masusing pinag-aaralan na ng mga eksperto ang mga impormasyon kaugnay sa mga pangyayaring ito upang ma-kagawa ng nararapat na rekomendasyon sa paggamit ng nasabing bakuna.

 

 

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang kaso hinggil sa side effects ng nasabing bakuna ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC).

 

 

Nilinaw naman ni Do­mingo na bagama’t si­nuspinde ang pagbabakuna ng AstraZeneca, hin­di nangangahulugan na delikado at hindi epektibo ang nasabing bakuna.

Other News
  • SHARON, pinost ang photo nila ni GABBY kasama ang mga batang partner at game na sa balik-tambalan; hinihintay din si MARICEL na pumayag sa movie nila

    KAALIW na naman ang pinost ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na kung saan pinagtabi ang photo na kasama niya si Marco Gumabao para sa movie na Revirginized at si Gabby Concepcion na kasama naman si Sanya Lopez para sa GMA series na First Yaya.     Caption ni Mega, “And you, Kitina’s […]

  • Rain or Shine pasok na quarterfinals matapos talunin ang NLEX 110-100

    Pasok na quarterfinals ang Rain or Shine matapos na talunin ang NLEX 110-100 ng PBA Commissioner’s Cup.     Nanguna sa panalo ng Painters ang import na si Ryan Person na nagtala ng 24 points at siyam na rebounds habang mayroong 19 points si Andrei Caracut at Gian Mamuyac ay nagtala rin ng 15 points […]

  • MMDA chair Abalos, walang nakikitang pangangailangan na muling magpataw ng bagong curfew hour sa NCR

    SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi kailangan na muling magpataw ng curfew sa National Capital Region (NCR) dahil ang mga residente ngayon ng rehiyon ay marunong “mag-self regulate” sa gitna ng surge sa COVID-19 cases.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na alas-8 pa lamang […]