• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ateneo, La Salle muling magtutuos!

MULING magkukrus ang landas ng mortal na magkaribal na Ateneo de Manila University at De La Salle University sa pagsisimula ng second round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena.

 

 

Nakatakda ang bakbakan ng Blue Eagles at Green Archers sa alas-7 ng gabi habang masisilayan din ang duwelo ng NU at UP  sa alas-10 ng umaga.

 

 

Lalarga rin ang laro ng FEU Tamaraws at Adamson University sa alas-12:30 ng tanghali kasunod ang laban ng University of Santo Tomas at University of the East sa alas-4:30 ng hapon.

 

 

Mas magiging exciting ang laban ng Ateneo at La Salle sa pagkakataong ito dahil mayroon nang fans na inaasahang daragsa sa venue.

 

 

Hindi tulad noong Abril 2 sa kanilang unang pagtutuos kung saan nakuha ng Blue Eagles ang 74-57 panalo sa venue na walang expectators.

 

 

Target ng Ateneo na makuha ang ikawalong sunod na panalo upang mapatatag ang kapit nito sa solong pamumuno.

 

 

Sariwa pa ang Blue Eagles sa 91-80 panalo sa Growling Tigers noong Sabado para makumpleto ang first-round sweep.

 

 

Nadugtungan din ang winning streak ng Ateneo sa 33 games na nagsimula noon pang 2018.

 

 

Subalit walang balak magpakampante ang A­teneo  dahil alam ng tropa na mas magiging matindi ang labanan sa second round.

 

 

Desidido rin ang La Salle na makaresbak sa pagkakataong ito.

 

 

Mataas din ang moral ng Green Archers na matikas na isinara ang first round sa bendisyon ng 61-58 panalo sa Soaring Falcons.

 

 

Okupado ng La Salle ang No. 3 spot bitbit ang 5-2 marka.

Other News
  • Ads August 2, 2023

  • Indonesia may bago ng capital city

    PINALITAN na ng Indonesia ang kanilang capital na mula sa dating Jakarta ay inilipat na nila ito sa Kalimantan.     Matatagpuan ang Kalimantan sa mala-gubat na lugar sa silangang bahagi ng Borneo Island.     Ang nasabing hakbang ay inaprubahan ng mga mambabatas dahil sa dumaraming mga naninirahan na sa Jakarta at nagiging political […]

  • LTO district chief suspendido; Masamang behavior ng pasahero sa PUVs responsibilidad ng driver, operator at conductor

    ISANG hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa Novaliches district unit ay suspendido matapos na maaresto ang limang pinaghihinalaang fixers sa labas ng opisina ng nasabing ahensya       Ayon kay LTO assistant secretary Jay Art Tugade na ang nasabing opisyal ay sinuspinde habang nagsasagawa ng imbestigasyon dahil sa fixing activities sa district office. […]