• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Atty. Michael Poa, nagbitiw na bilang tagapagsalita ng OVP

TULUYAN nang nagbitiw bilang tagapagsalita ng Office of the Vice President si Atty. Michael Poa.

 

 

Kinumpirma ito ni Poa sa naging pagharap nito sa pagdinig ng House Good Government and P[ublic Accountability sa paggamit ng OVP budget at sa isyu ng confidential funds.

 

 

Ayon kay Poa, hindi na siya konektado sa OVP dahil natapos na rin ang kanyang consultancy contract.

 

 

Bago itinalaga bilang tagapagsalita ng OVP si Poa, nagsilbi muna ito bilang Usec. at Spox. ng Department of Education sa panahon ng panunungkulan ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng ahensya.

 

 

Sa nakalipas na pagdinig ng Kamara, sinabi ni Poa na inatasan niya ang noo’y DepEd Undersecretary at retired Major General Nolasco Mempin para humingi ng sertipikasyon sa Militar bilang suporta sa paggasta ng OVP sa P15-M confidential funds noong nakalipas na taon.

 

 

Nabunyag rin na naibigay naman ng militar ang hinihinging sertipikasyon bagamat hindi aniya nila alam na gagamitin kito para ijustify ang budget ng Opisina ng Pangalawang Pangulo.

 

 

Una rito ay nanindigan si Vice President Sara Dutrete na hindi ito haharap sa anumang ikakasang pagdinig ng kamara dahil naniniwala itong pinupulitaka lamang siya ng mga mambabatas. ( Daris Jose)

Other News
  • PNP Chief ipinag-utos ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa NCR

    Inatasan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na mahigpit na ipatupad ang curfew hours sa oras na maging epektibo ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR.     Kasabay ito ng paghihigpit sa mga border control mula Agosto 6 hanggang Agosto 20.     Sinabi ni Eleazar na […]

  • DSWD, tiniyak ang tulong sa mga taong apektado ng pagbaha sa Bicol, VisMin

    NANANATILING “in close contact” ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa.mga biktima ng malawakang pagbaha dahilan ng “shear line at  northeast monsoon” sa ilang bahagi ng bansa. Ayon sa impormasyon na ipinalabas ng Social Marketing Service (SMS) ng  DSWD, patuloy na nagbibigay ang ahensiya ng kinakailangang tulong sa pamilya at indibiduwal na apektado […]

  • Mga sekyu, TNVS drivers, janitors tatanggap ng cash aid sa AKAP sa Navotas

    INANUNSYO ng Office of Navotas City Representative na mabibigyan naman ng cash assistance sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Program ang mga security guards, TNVS drivers at mga janitors na mga residente ng lungsod.     Sinabi ni Cong. Toby Tiangco na 18-anyos pataas na nagtatrabaho bilang security guards, TNVS drivers […]