• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Atty. Velicaria-Garafil, tinanggap ang alok na maging Usec at OIC ng OPS- Malakanyang

PORMAL nang nagbitiw sa tungkulin si Atty. Cheloy Velicaria-Garafil  bilang chairperson ng Land Transportation Franchisin and Regulatory Board (LTFRB).

 

 

Sa pagbibitiw niya bilang chairperson ng LTFRB ay tinanggap naman niya ang alok na tumulong sa tanggapan ng Office of the Press Secretary bilang Undersecretary at OIC.

 

 

“Today, October 7, 2022, I tendered my resignation as LTFRB Chairperson as I have accepted the offer to help in the Office of the Office of the Press Secretary as its Undersecretary and OIC,” ayon kay Velicaria-Garafil.

 

 

“This is a great honor and privilege and i thank the President for this opportunity to once again work with him in his administration to serve the Filipino people,” wika pa nito.

 

 

Sa kabilang dako, “yes” naman ang naging tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin nang tanungin kung si Velicaria-Garafil  ang  tatayong  OPS OIC at Usec.

 

 

Samantala, deadma  lang si  Atty. Cheloy Garafil kung Officer in Charge (OIC) lang ang kanyang  status sa sa Office of the Press Secretary (OPS).

 

 

Sa naging panayam ng Malacanang Press Corps kay Atty. Garafil, tinuran nito na mas binibigyang bigat niya ang “trust and confidence” na ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para pamunuan ang OPS.

 

 

Wika nito, hindi na importante sa kanya kung OIC man ang kanyang estado sa kanyang bagong trabaho dahil ang mahalaga ay ang pagkakataon na  ipinagkaloob sa kanya nni Pangulong  Marcos na makatulong sa OPS.

 

 

Matatandaang, noong nakaraang linggo ay ipinatawag si Atty. Garafil  ni Pangulong Marcos at doon ay inialok sa kanya ang puwesto.

 

 

Ayon sa Chief Executive, kailangan aniya niya ng isang taong maaaring makatulong sa naturang tanggapan na agad naman niyang tinanggap.

 

 

Habang nito lamang nakaraang Huwebes ay nagpahapyaw na ang  Punong Ehekutibo na ang kanyang itatalaga sa OPS ay kaibigan ng media at isang media practitioner na maalam sa messaging.

 

 

Si Atty. Garafil ay dating TV reporter at naging print journalist din bukod pa sa isa itong abogado at nagsilbi rin bilang Chief of Staff  ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Daris Jose)

Other News
  • P59.8-B health emergency allowance, ipamamahagi sa mga medical frontline -PBBM

    TINATAYANG P59.8 bilyong piso ang ipamamahagi sa medical frontline workers para sa kanilang health emergency allowance sa panahon ng COVID-19 pandemic.     Sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na ang nasabing halaga ay 78.92% ng COVID-19 health emergency allowance na inilaan ng gobyerno sa mga health worker.     Sa naging […]

  • Cayetano sa Senado: Pa-epal lang kayo sa ABS-CBN franchise

    Sa isinagawang pagdinig ng Senado kahapon (Lunes) sa usapin ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na marami lang umano ang gustong pumapel o umepal.   Bagama’t wala namang direktang pinatamaan si Cayetano ngunit una na itong sinita si Senadora Grace Poe, chair ng public service committee ng Senado, […]

  • 2k baboy mula sa South Cotabato nasa Vitas, Tondo na

    INANUNSYO ng Malakanyang ang pagdating 2,000 baboy mula sa South Cotabato kung saan ito ngayon ay nasa Vitas, Tondo.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay iparating sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila ang nasabing baboy dahil ito ay kabahagi ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para maibsan ang kakulangan […]