Awardee na si Piolo, matuloy pa kayang host?: Postponed muna ang ‘The 6th EDDYS’, ililipat ng petsa at venue
- Published on October 19, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAAALAM ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ang nakatakdang The 6th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice sa darating na Oktubre 22 ay hindi muna matutuloy. Nagdesisyon ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd na i-postpone ang pagsasagawa ng ika-anim na edisyon ng The EDDYS na gaganapin sana sa EVM Convention Center sa Quezon City. Ayon sa presidente ng samahan ng mga entertainment editors sa bansa na si Eugene Asis, kinailangang kanselahin pansamantala ang awards night ng The EDDYS dahil sa ilang hindi inaasahang pangyayari na hindi kontrolado ng organizer at producer. Dahil dito, minabuting ilipat ng petsa at venue ang Gabi ng Parangal. Agad na maglalabas ng mga kaukulang detalye ang pamunuan ng SPEEd at ang Airtime Marketing Philippines na pag-aari ni Tessie Celestino-Howard, ang producer ng 6th EDDYS sa oras na maisaayos ang lahat.
Lubos na humihingi ng paumanhin ang organizer at producer ng naturang event sa nominees, iba pang involved sa produksyon at sa publikong naghihintay nito taun-taon.
Ang tanong lang, matutuloy pa kayang mag-host ng awards night si Piolo Pascual kasama si Iza Calzado?
Isa ang aktor sa gagawaran ng Isah V. Red Award kasama sina Herbert Bautista at Coco Martin.
Ang 2023 EDDYS Icon honorees naman ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Niño Muhlach, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez, at Nova Villa.
Samantala, pasok ang pinagbibidahang thriller/horror movie ni Piolo na ‘Mallari’ sa 49th MMFF at may special participation naman siya sa isa pang filmfest entry na ‘GomBurZa.’
***
AMININ natin na marami sa atin ang nae-excite at nabubuhayan ng dugo kapag narinig natin ang mga salitang “Uy, may chika ako.
Lahat tayo ay may tinatagong “Marites” sa ating mga sarili, na nagnanasang makasagap ng pinakamainit na tsismis, at hindi pwedeng maiwanan para malaman ang mga umaatikabong balita ng bayan.
Ganyan ang tema ng pinakabagong video ng sikat na online celebrity na si Mimiyuuuh para sa TNT, ang mobile brand ng Smart. Sa nasabing video, mapapanood si Mimiyuuuh habang nagbabasa ng kanyang social media feed sa kalagitnaan ng gabi nang biglaan niyang makita ang isang hindi inaasahang bisita na kamukha ng pamosong multong Hapon na si Sadako.
Sa kalaunan nalaman din ni Mmiyuuuh na namutla lang pala yung babae sa video dahil sa sobrang sabik nitong makarinig ng tsismis.
Panoorin ang nakatutuwang video dito: https://www.youtube.com/watch?v=WztUm6BdDM4
Para mas malaman pa ang pinakamaiinit na online tsismis ng bayan at mas sumigla pa ang mga subscribers, inilabas kamakailan lamang ng TNT ang FB+Chat 50, na nagbibigay ng 7 araw na punong-puno ng data offer para mas madaling magamit ng mga subscriber ang kanilang Facebook, Messenger, WhatsApp, at Instagram account.
Sa halagang P50 lang, ang FB+Chat 50 ay may kasamang libreng 3.5 GB na maaring gamitin sa loob ng 7 araw, na sapat na sapat para magkaroon at ma-enjoy ng mga subscriber ang kanilang pagkalap ng tsismis para sa buong linggo. Ito ay hatid ng may pinakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa bansa na binigyan ng award ng Ookla sa sunod-sunod na tatlong bahagi ng taon.
Maaari ring i-share ng TNT subscribers ang mga nakakatuwa at mahahalagang post sa Facebook at Instagram, i-tag ang kanilang mga kaibigan, or makisali sa mga diskusyon ng kanilang barkada sa pinakamaiiinit na tisismis gamit ang Messenger o di kaya ay sa WhatsApp.
“Bahagi na ng buhay ng Pilipino para patuloy pa rin silang may koneskyon sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay ang pagshi–share ng mga pinaka-latest na usapan online.
“Sa pamamagitan TNT FB+ CHAT 50, binibigyan namin ng murang paraan ang aming mga subscribers para patuloy nilang malaman ang mga pangyayari sa lahat, na pinalakas ng pinakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa bansa,” ayon kay Lloyd R. Manaloto, FVP at Head ng Prepaid at Content ng Smart.
Maaring magparehistro ng madali ang lahat ng TNT subscriber sa FB+Chat 50 sa pamamagitan ng Smart App, na maaaring ma-download sa Apple App Store, Google Play Store, at Huawei Mobile Services.
Ang iba pang mga kustomer ay maaari ring makapag-avail ng produkto ng TNT. Kailangan lang nilang i-dial ang *123#; pumunta sa pinakamalapit na tindahan ; o di kaya ay bumili nito gamit ang kanilang paboritong mobile wallet apps o pwede rin sa Facebook Upsell at Facebook Mobile center.
Ang TNT ay bahagi ng Smart, ang may pinamakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa Pilipinas na pinatunayan ng Ookla, ang lider sa buong daigdig sa larangan ng mobile at broadband network intelligence.
Ang Smart ang pinaka-una at nag-iisang mobile operator sa Pilipinas na nakatanggap ng prestiyoso at natatanging parangal sa tatlong sunod-sunod na ulat ng Ookla na inilabas nila noong Q1-Q2 2022, Q3-Q4 2022, and Q1-Q2 2023.
Para malaman pa ang mga detalye tungkol sa TNT FB+Chat 50, bisitahin lamang ang https://tntph.com/Pages/fbchat50.
(ROHN ROMULO)
-
Face masks, vaccine card ‘di na kailangan sa tourist spots – DOT
HINDI na kailangang magsuot ng face masks at magpakita ng patunay ng vaccination ng mga taong nagtutungo sa mga tourist spots sa bansa. Ayon sa Department of Tourism (DOT), bahagi ng liberalisasyon sa mga restriksyon sa COVID-19 ang pagluluwag sa “health and safety guidelines” upang mas mapalakas pa ang pagdating ng mga turista […]
-
Food stamp program, balak ibalik ng DSWD
PLANO ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ibalik ang food coupon program sa ahensiya upang mapababa ang problema sa pagkagutom ng maraming mahihirap na Pinoy. Ayon kay Gatchalian, ang hakbang ay reaksyon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) noog nagdaang buwan na nagsasabing may […]
-
BBM ipinag-utos ang pagpapaliban ng LRT fare increase
INAPRUBAHAN ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 & 1) subalit ipinag-utos naman ni President Marcos na ipagpaliban muna ito. Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na pinayagan nila ang Light Manila Corp. (LRMC), na siyang namamahala sa operasyon ng LRT1, […]