• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayaw maranasan ang feeling ng isang ‘fatherless’… KRIS, ipinagmalaki si BIMBY sa ginawang pag-communicate kay JAMES

TIYAK magiging super-busy si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ngayong balik-acting na siya after almost five years.  

 

 

Unang nabalita nga ay tuloy na ang pagtatambal nila ni Gabby Concepcion sa isang teleserye, ang “Against All Ods,” na kasalukuyan nang inihahanda ang production.

 

 

Then, dumating na ang balitang magkakaroon sila ng reunion project ng husband niya, si Kapuso Primetime King, Dingdong Dantes, na isa namang movie intended for the coming Metro Manila Film Festival sa December.

 

 

“Rewind” ang title ng movie na ididirek ni Mae Cruz-Alviar.

 

 

Sa IG post ni Marian: “I am beyond blessed to be able to share the screen with my loving husband in God’s perfect time.  We can’t wait to bring this project to life and make unforgettable memories together! #BlessedBeyondMeasure #Rewind  #New MovieAlertDongYan.

 

 

Ang movie ay collaboration ng Star Cinema, APT Productions at AgostoDos Pictures na si Dingdong ang producer.

 

 

Pareho na lamang very busy ang mag-asawa dahil si Dingdong ay abala sa taping ng GMA Primetime series niya, ang murder-mystery  na “Royal Blood,” na nagtatampok sa aktor na may anak na seven-year old na si Sienna Stevens.

 

 

Gusto ni Dingdong na ipakilala nang personal sa panganay nila ni Marian na si Zia ang child actress. Nang ipalabas nga raw ang pilot episode nila, ipinakita na niya kay Zia si Sienna na may Tik Tok din na marami raw followers.

 

 

Nilu-look forward daw niyang magkakilala sina Zia at Sienna at pwede silang maglaro balang-araw.

 

 

                                                            ***

 

 

MARAMI ang natuwang fans ni Kris Aquino nang ibalita ng Queen of All Media tungkol sa bunsong anak niyang si Bimby at sa ama nitong si San Juan City Councilor James Yap.

 

 

Based sa latest IG post ni Kris, ipinahiwatig niyang nagkausap na sina Bimby at ang tatay nito noong nagdaang Father’s Day.  Suportado raw niya ang kagustuhan ni Bimby na tawagan ang amang basketball player para muling magkaroon ng communication at connection bilang father and son.

 

 

Ayon pa kay Kris, alam daw niya ang feeling ng isang anak na ‘fatherless’ na naranasan niya after ng Martial Law, at ayaw niyang maranasan ito ni Bimby.

 

 

“Maraming hindi pagkakaunawaan pero ayokong masabi na pinipigilan ko si Bimb… my own childhood was fatherless because of Martial Law, so ayaw kong ma-subject ang bunso ko to the same fate.”

 

 

Ipinagmalaki rin ni Kris si Bimby dahil sa ginawa nito noong Father’s Day upang magkaroon sila muli ng connection ng kanyang ama.

 

 

                                                            ***

 

 

ENDORSED na ng GTV, na under ng GMA Network, ang ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime,” na 14 years ding naging karibal ng “Eat Bulaga” sa GMA-7.

 

 

“G na G Na! Abangan Iyan!” matapos ma-announce ng TV5 na lumipat na ang mga original hosts ng “Eat Bulaga” sa kanila, samantalang nagpapatuloy naman ang “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. sa GMA-7, with their new hosts.

 

 

Simula sa July 1, 2023, mapapanood na ang “It’s Showtime” sa GTV, Monday to Saturday, 12:00 n.n., pagkumpirma ng ABS-CBN.  It’s really a business decision daw ang ginawa ng ABS-CBN, nang mag-reach out sila sa GMA, since mayroon na rin silang collaborations ngayon sa pamamagitan ng GMA Primetime series na “Unbreak My Heart.”

 

 

Inabot daw lamang ng two weeks ang negotiation kung available ba ang GTVsa noontime slot nila.  Nagkasundo rin sila na ang contract ay renewable by mutual agreement.

 

 

Mapapanood ang “It’s Showtime” kasabay ng noontime show ng TVJ at Dabarkads.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • ‘Di na 10 years old para pagsabihan sa gustong gawin: NADINE, ‘di nakapagpigil na talakan ang mga nagmamarunong sa buhay niya

    HINDI na napigilan ni Nadine Lustre ang talakan ang mga pakialamero’t pakialamera sa buhay niya sa social media.     Masyado raw maraming marites sa buhay niya at gusto niyang pabayaan na siya ng mga ito dahil unang-una ay hindi na raw siya bata para pagsabihan.     Marami kasi ang nag-comment sa pinost ni […]

  • Fuel subsidy para sa mga magsasaka, mangingisda maaaring ipalabas na

    MAAARING ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda sa huling linggo ng Marso o unang bahagi ng Abril.     Sinabi ni Agricuture Assistant Secretary Noel Reyes, ang 162,000 corn farmers at fishers ang makikinabang mula sa ₱500-million subsidy. Ang bawat benepisaryo ay makatatanggap ng ₱ 3,000 […]

  • Cash aid para sa turismo at scholarship, ibibigay na

    NAKAHANDA na ang bilyong-bilyong cash aid para sa turismo at scholarship ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng pandemya.   Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabuuang P13 bilyon ang maipapamigay na payout.   Kasama na rito ang P3 bilyon para sa sector ng turismo, P bilyon para sa scholar na anak […]