• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayaw nang itago kaya ipinagsigawan na… KLEA, matapang na inamin na gay at may rainbow heart

NAG-OUT na nga ang Kapuso star at StarStruck 6 winner na si Klea Pineda.

 

 

Sa kanyang Instagram sa mismong kaarawan niya (March 19), proud na in-announce ng AraBella star na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.

 

 

Ayaw na raw itago ni Klea kung ano talaga siya at ipagsisigawan pa raw niya ito.

 

 

“My 24th birthday is extra special since I finally mustered up the courage to come out to the world as my true authentic self.

 

 

“Masasabi ko na ito na ang pinakamatapang na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. I want the world to know that I am a proud member of the LGBTQIA+ community.”

 

 

Dagdag pa ni Klea, “Alam ko mahirap at nakakatakot, but please know na walang mali sa atin at walang kulang sa atin kahit pa magpakatotoo tayo. Marami man ang manghusga, mas marami pa rin ang tatanggap at magmamahal sa’yo nang buong-buo. Just be the person that your younger self would be proud of!”

 

 

“From now on, I want to live my life fearlessly. Sana samahan nyo ako sa paggawa ng sarili kong kwento na alam kong tunay na magpapasaya sa akin.

 

 

“Let’s spread love and empowerment, everyone! And always remember, #LoveIsLove!”

 

 

Sabi pa ni Klea, “I’m proud na sabihin sa lahat ng mga Kapuso natin na I’m gay. I have a rainbow heart.

 

 

“‘Yung takot, nandidiyan siya parati pero mas nangingibabaw ‘yung excitement. For the longest time nag-be-base ako sa mga tao kung sino talaga ako.

 

 

“Ito ‘yung masasabi ko na sa akin, na ako ‘to, and I’m proud na ito ako.”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PBBM, umapela sa labor sector na tiyakin ang episyenteng pagpapatupad ng TPB plan

    UMAPELA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng paggawa na tiyakin na episyente ang implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) plan, makatutulong na makalikha ng 3 milyong bagong trabaho sa 2028.     Sa idinaos na kauna-unahang 2024 National Employment Summit sa Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na ang TPB ay isang […]

  • Gawilan lalangoy, pasok sa Tokyo Para Games

    MAY panlaban rin ang Philippine Team sa 2020 Tokyo Para Olympics matapos makasungkit ng slots si swimmer Ernie Gawilan matapos maabot ang kinakailangang puntos para mapasabak sa quadrennial meet na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 6.   Nakalap ni Gawilan ang Olympic points bunsod nang matikas na kampanya sa 2018 Asian Para Games sa […]

  • PAGTAAS NG KASO NG DENGUE, NAKITA SA 4 NA REHIYON

    NAKITAAN  ng pagtaas ng kaso ng dengue sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao regions, ayon sa isang opisyal ng health department.     Sa  media forum, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mga partikular na lugar at probinsya lamang ang naapektuhan ng pagtaas ng kaso ng dengue at hindi ang […]