• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayuda sa Abril 6 masisimulang maibigay – DILG

Sa Martes, Abril 6, o sa Miyerkules, Abril 7, pa maaaring matanggap ng mga residente sa National Capital Region (NCR) Plus areas ang ayuda mula sa pamahalaan.

 

 

 

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, maaring bukas pa kasi maibababa ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga local government units (LGU) sa loob ng tinaguriang NCR Plus.

 

 

 

Ayon kay Malaya, makabubuti kung financial aid na lang ang pamamaraang gamitin ng mga LGUs dahil mas matagal ang proseso na pagdadaanan kapag “in kind” pa ang ibibigay sa mga low-income families.

 

 

 

Nauna nang sinabi ng Department of Budget and Management na halos 22.9 million low-income individuals ang makakatanggap ng P1,000 sa ilalim ng “dole out program” ng pamahalaan.

 

 

 

Subalit “discretion” na aniya ng mga LGU kung ang ayudang ito ay ibibigay ng in kind o cash.

 

 

 

Kapag cash, hanggang P4,000 ang puwedeng matanggap ng kada low-income family. (Daris Jose)

Other News
  • EJ pumirma sa NXLED

    MULA sa Chery Tiggo ay lumipat si EJ Laure sa Nxled sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.       Muling sasabak sa aksyon si Laure sa pagsagupa ng Chameleons sa Crossovers ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng PLDT High Speed Hitters at Capital1 Solar Spikers sa alas-4 ng hapon sa […]

  • PSC, umapela na sa kongreso at senado sa pagkokonsidera ng COMELEC sa mga SEA GAMES athletes sa local absentee voting

    Umaasa ang Philippine Sports Commission na magagawan pa ng paraan ng Commission on Elections upang makaboto ang mga atleta at coaches na makikilahok sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.     Nauna nang nagpatupad at nag-abiso ang COMELEC sa PSC na ang mga national athletes na lalahok sa SEA Games sa May […]

  • Mahigit 1-M mga indibidwal lumikas na mula sa Ukraine mula nang salakayin ito ng Russia

    MAHIGIT isang million na mga indibidwal na ang lumipad paalis sa Ukraine simula nang magsimulang salakayin ito ng Russia.     Ayon sa datos ng UN refugee agency, tinatayang nasa 8.5 percent sa mga ito ay tumakas sa bansa patungo sa mga kalapit na bansa tulad ng Poland, Slovakia, Hungary, Moldova, Belarus, at Russia.   […]