• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Azkals star James Younghusband, inanunsyo ang pagreretiro sa football

Pormal nang nagretiro sa paglalaro ng football si Philippine Azkals star James Younghusband.

 

Anunsyo ito ni Younghusband sa social media, pitong buwan makaraang tuldukan na rin ng kanyang nakababatang kapatid na si Phil ang kanyang karera sa football.

 

Sa kanyang social media post, todo pasalamat ang 33-anyos na si Younghusband sa lahat ng naging bahagi ng kanyang professional career.

 

“Time to say goodbye,” saad ni Younghusband. “Thank you for the amazing memories. I have loved playing this game. Thank you to my family, bosses, managers, coaches, team mates, opponents and all my supporters who have been part of my professional career.”

 

Matatandaang nagsimula ang 14-taong karera sa Pilipinas ni James nang lumahok ito at ang kanyang kapatid sa U-23 national team para sa 2005 Southeast Asian Games.

 

Naging bahagi rin si James ng Azkals at ang muling pag-usbong ng football sa bansa noong kampanya ng Pinoy team sa 2010 AFF Suzuki Cup.

 

“I feel lucky to have experienced wonderful memories and thankful for every moment of my time with my clubs and country,” dagdag nito.

Other News
  • OBRERO TIMBOG SA P23-K SHABU

    NATIMBOG ang isang obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari.   […]

  • Pacers guard Brogdon nagpositibo rin sa COVID-19

    Nagpostibo sa coronavirus si Indiana Pacers guard Malcolm Brogdon.   Hindi naman binanggit ng koponan kung saan o paano nakuha nito ang nasabing virus.   Naging aktibo ang 27-anyos sa racial at social justice mula ng matigil ang mga laro sa NBA noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.   Hindi rin naglaro ito sa nasabing […]

  • Ads October 26, 2021