• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babae, inaresto sa paggamit sa anak sa online show

INARESTO ng  National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang isang babae na ginagamit ang kanyang menor de edad na anak para sa online sexual show at exploitation.

 

 

Nag-ugat ang operasyon mula sa idinulog na kaso ng Department of Justice Office of Cybercrime (DOJ-OOC) laban sa isang babae na umano’y ginagamit ang kanyang mga menor de edad na anak para sa isang palabas sa online.

 

 

Dahil dito, noong April 12, 2024 ay nagsagawa ng entrapment operation at pagsisilbi ng WSSECD  ang pinagsamang pwersa ng NBI-HTRAD at  NBI-Northeastern Mindanao Regional Office (NBI-NEMRO) kasama ang NBI-Digital Forensics Laboratory laban sa suspek sa kanyang bahay sa San Luis, Gingoog, Misamis Oriental.

 

 

Dito naaktuhan ang suspek sa aktong inaalok nito ang kanyang mga anak  sa isang online sexual show kapalit ng pera.

 

 

Sa nasabing operasyon, ni-rescue ang tatlong menor de edad.at kasalukuyang nasa-kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Kasong paglabag sa  R.A. 11930 (Anti- OSAEC at CSAEM Act), R.A. 9208 as amended ng  R.A. 10364 at  further amended ng  R.A. 11862 (Anti-Trafficking in Persons Law) in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Law), R.A. 7610 (Child Abuse Law), at  Rape by Sexual Assault.laban sa naarestong suspek. GENE ADSUARA

Other News
  • NAVOTAS, DOST, TUP LUMAGDA SA MOA SA PAGPAPAHUSAY SA SOLID WASTE MANAGEMENT

    LUMAGDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan ng Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Department of Science and Technology (DOST), at Technological University of the Philippines (TUP), sa isang memorandum of agreement na naglalayong pahusayin ang solid waste management sa urban waterways sa pamamagitan ng deployment ng Aqua Trash Collector Bot (AQUABOT).       Ang AQUABOT, […]

  • PMA’S CLASS “BAGONG SINAG” nakuha ang papuri, pagkilala ni PBBM

    TINATAYANG pitong babaeng kadete ng male-dominated Philippine Military Academy (PMA) ang ‘nag-stand out’ sa commencement exercises ngayong taon. Dahil dito, nag-iwan ito ng pambihirang impresyon sa kanilang Commander-In-Chief na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang pitong babaeng kadete ay nakapasok at nakasama sa Top 10 ng PMA “Bagong Sinag” Class of 2024 ngayong taon […]

  • Ads June 11, 2024