• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BABAENG CHINESE NATIONAL ARESTADO SA P27.2M HALAGA NG SHABU

NASAMSAM ng mga awtoridad ang nasa P27.2 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang big-time drug personality na babaeng Chinese national matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Tuan Xi Yao alyas “Wendy/Chekwa”, 38, Chinese national, may-asawa at walang trabaho.

 

Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng PDEA RO-NCR Eastern District Office ang PDEG SOU4 at District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD sa koordinasyon sa Malabon Police sa ilalim ng pamumuno ni Col. Jessie Tamayao ng buy-bust operation sa No. 13, Road 25, Brgy. Dampalit, Malabon city.

 

Kaagad inaresto ang suspek matapos bentahan ng isang pack ng shabu ang isa sa mga operatiba na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Nakumpiska ng mga operatiba sa suspek ang humigi’t-kumulang sa apat kilograms ng shabu na tinatayang may standard drug price P27,200,000.00 ang halaga, isang genuine P1,000 bill na kasama sa boodle money na ginamit bilang buy-bust money, ID at cellphone.

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Djokovic bigong makapasok sa semis ng Monte Carlo Masters

    Bigong makapasok sa semi-finals ng Monte Carlo Masters si world number one Novak Djokovic.     Tinalo kasi siya ni Dan Evans ng Britanya. Nakuha ni Evans ang Score na 6-4, 7-5 para tuluyang ilampaso si Djokovic.     Ito ang unang pagkatalo ngayon taon ni Djokovic na unang nagwagi sa Australian Open noong Pebrero. […]

  • Bus routes sa ‘Libreng Sakay’, posibleng dagdagan

    PINAG-AARALAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magdagdag pa ng mga libreng bus rides sa mas maraming ruta, sa ilalim ng kanilang ‘Libreng Sakay Program’.     Ayon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez, makikipagpulong si DOTr Secretary Jaime Bautista sa mga pinuno ng mga ahensiyang may kinalaman dito upang talakayin ang isyu. […]

  • Tayuan sa bus, nakasabit sa jeep bawal – MMDA

    BINALAAN ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong bus at  jeep sa mahigpit na pagbabawal sa mga nakatayo o nakasabit na pasahero kahit na inilagay na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).     Sinabi ni MMDA officer-in-charge and general manager Romando Artes na ito […]