• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babaeng drug suspect kulong sa P149K shabu sa Caloocan

KALABOSO ang isang babaeng drug suspect matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu habang nakatakas naman ang kanyang kasama na target ng buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Sara, 36, ng lungsod.

 

Lumabas sa imbestigasyon na nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa B40 L25, King Solomon Street, Barangay 188, matapos nilang magawang makipagtransaksyon sa kasama ng suspek.

 

Gayunman, nang matapos ang abutan ay nakatunog umano ang target na pulis ang kanyang katransaksyon kaya agad itong tumakbo hanggang magawang makatakas habang napigilan naman ang kanyang kasabwat.

 

Ayon kay SDEU chief P/Lt. Restie Mables, narekober nila ang buy bust money at isang coin purse na naglalaman ng tatlong medium plastic sachets ng hinihinalang shabu na naiwan ng nakatakas na suspek. Aabot sa 22 grams ng umano’y shabu na may standard drug price value na P149,600.00 ang nakumpiska ng pulisya.

 

Mahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • PCSO chief Robles, pinagbibitiw

    HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles na magbitiw dahil sa kabiguan umano nitong protektahan ang kabataan, lalo na ang mga bata mula sa e-lotto o online lotto project ng ahensiya.     “It is accessible to anyone, even to young children whose […]

  • Ilang lugar sa Metro Manila at Cavite, 1-linggong mawawalan ng tubig

    MAY ISANG linggong mawawalan ng suplay ng tubig ang mga kustomer ng water concessionaire na Maynilad Water Services Inc. sa ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Cavite.     Sa isang abiso, sinabi ng Maynilad na kabilang sa mga lugar na makakaranas ng water service interruption ay ang ilang lugar sa Las Piñas […]

  • P3-M bagong logo ng PAGCOR inulan ng batikos

    INULAN  ng batikos ang itsura ng bagong labas na logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sa ika-40 anibersaryo nito — bagay na nagkakahalaga ng P3.03 milyon ayon mismo sa gobyerno.     Martes nang ibunyag sa publiko ang naturang logo sa Marriott Hotel Manila, na siyang dinaluhan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First […]