• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babaeng nagsasayaw sa kaarawan ng isang opisyal ng PHILHEALTH sa Region 4-B, iimbestigahan

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Task Force  kung anong legal na hakbang ang dapat ikasa hinggil sa lumabas na video ng  isang babaeng sumasayaw na naka- under wear lang sa birthday party ni PhilHealth Regional Vice Presidente Region 4-B Paolo Johann Perez.

 

Ayon kay Presidential spokesperson  Harry Roque bahala na ang Task Force na pinabuo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay  Justice Secretary Menardo Guevarra kung anong asunto ang dapat isampa at kung sino ang dapat idemanda.

 

Ang task force na binuo ni Sec. Guevarra ang siyang mangunguna sa imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth.

 

Ang mga miyembro ng  task force ay ang Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Palace Undersecretary Melchor Quitain, at ang Presidential Anti-Corruption Commission.

 

Sinabi ni Sec. Roque na saklaw ng trabaho ng Task  Force ang pagsilip sa insidente na una na ring nasilip ng Senado.

 

“Alam ninyo po, ang Palasyo naman po ay mayroon na pong task force na binuo at we will be guided by the findings of the task force.
At mayroon naman pong investigation conducted by the Senate as a whole. Iyong mga ebidensiyang nakalap po doon ay tinitingnan din po ng Palasyo. So, pinauubaya na po muna for the time being ng Palasyo sa task force na binuo mismo ng Presidente kung anong mga kaso na dapat isampa at kung sino ang dapat idemenda,” ayon kay Sec. Roque.

 

Makikita sa video na nakaupo sa office chair at napapalibutan ng mga kasamahan nito ang opisyal, habang sinasayawan ng isang babae.

 

Kaugnay nito’y una na umanong iginiit  ni Perez na pinigilan niya ang programa at sa halip ay sinabihan ang kanyang mga staff na kumain na lamang. (Daris Jose)

Other News
  • Mamale Site 8 pumping station

    MAYROON na ngayon 81 pumping station ang Navotas City na panlaban sa mataas na baha tuwing high tide o may bagyo, kasunod ng pagbabasbas pagpapasiya sa MAMALE SITE 8 pumping station sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco, at Congressman Toby Tiangco, at iba pang mga opisyal ng lunsgod, bilang bahagi ng ika-17th cityhood anniversary ng Navotas. […]

  • “Halloween Ends” Brings Back Jamie Lee Curtis In Her Iconic Role

    AFTER 44 years, the most acclaimed, revered horror franchise in film history reaches its epic, terrifying conclusion in “Halloween Ends” – an Ayala Malls Cinemas exclusive starting October 12.     “Halloween Ends” brings back Jamie Lee Curtis in her iconic role as Laurie Strode as she faces off for the last time against the […]

  • 45M Filipino fully vaccinated laban sa COVID-19- Nograles

    PUMALO na sa 45 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID- 19.   Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang bilang ng fully vaccinated individuals laban sa COVID-19 ay umabot na sa 45,284,617 “as of latest count.”   Sa kabilang dako, ang bilang ng nakatanggap ng una sa dalawang […]