• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babaeng nagsasayaw sa kaarawan ng isang opisyal ng PHILHEALTH sa Region 4-B, iimbestigahan

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Task Force  kung anong legal na hakbang ang dapat ikasa hinggil sa lumabas na video ng  isang babaeng sumasayaw na naka- under wear lang sa birthday party ni PhilHealth Regional Vice Presidente Region 4-B Paolo Johann Perez.

 

Ayon kay Presidential spokesperson  Harry Roque bahala na ang Task Force na pinabuo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay  Justice Secretary Menardo Guevarra kung anong asunto ang dapat isampa at kung sino ang dapat idemanda.

 

Ang task force na binuo ni Sec. Guevarra ang siyang mangunguna sa imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth.

 

Ang mga miyembro ng  task force ay ang Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Palace Undersecretary Melchor Quitain, at ang Presidential Anti-Corruption Commission.

 

Sinabi ni Sec. Roque na saklaw ng trabaho ng Task  Force ang pagsilip sa insidente na una na ring nasilip ng Senado.

 

“Alam ninyo po, ang Palasyo naman po ay mayroon na pong task force na binuo at we will be guided by the findings of the task force.
At mayroon naman pong investigation conducted by the Senate as a whole. Iyong mga ebidensiyang nakalap po doon ay tinitingnan din po ng Palasyo. So, pinauubaya na po muna for the time being ng Palasyo sa task force na binuo mismo ng Presidente kung anong mga kaso na dapat isampa at kung sino ang dapat idemenda,” ayon kay Sec. Roque.

 

Makikita sa video na nakaupo sa office chair at napapalibutan ng mga kasamahan nito ang opisyal, habang sinasayawan ng isang babae.

 

Kaugnay nito’y una na umanong iginiit  ni Perez na pinigilan niya ang programa at sa halip ay sinabihan ang kanyang mga staff na kumain na lamang. (Daris Jose)

Other News
  • 2 GURO KABILANG SA MGA BAGONG SCHOLAR NG NAVOTAS

    DALAWANG guro sa pampublikong paaralan ang nabigyan ng scholarship sa ilalim ng NavotaAs Academic Scholarship Program para sa paparating na school year 2024-2025.       Pumirma ng memorandum of agreement si Mayor John Rey Tiangco kasama si Navotas Schools Division Superintendent Meliton Zurbano at 28 benepisyaryo ng nasabing programa.       Kabilang sa […]

  • Marami ang kinikilig dahil visible na naman sa mga social media: Sen. CHIZ at HEART, dinaig pa ang ibang loveteams

    DAIG pa talaga ng mag-asawang sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista ang ibang mga loveteams ngayon.   Since naging sila, talagang sinubaybayan na ng mga netizens ang kanilang love story.   Ang daming invested sa relasyon nila, lalo na at alam kung paano pinaglaban ng dalawa ang kanilang relasyon na nauwi sa kasalan.   […]

  • 2 million target COVID test, kayang maabot hanggang sa susunod na buwan

    KUMPIYANSA ang gobyerno na aabot sa dalawang milyon ang kabuuang datos na sumailalim na sa PCR test sa susunod na buwan. Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, ito’y dahil na rin sa mas marami ng test laboratories na mayroon sa buong bansa na ngayon ay nasa 94 na. “As of July 26”, sinabi ni […]