• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babala ng Pangulo kay Robredo kapag tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 election, “waswasan kita”

BINALAAN  ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte si Vice-President Leni Robredo na  kapag tumakbong pangulo ang huli sa 2022 election ay marami siyang sasabihin dito.

 

“Marami ako sabihin sa’yo. Reserba ko na lang. When you start your campaign, ‘waswasan’ kita. This is your nightmare,” banta ni Duterte na matatapos ang termino sa June 2022.

 

Sa public address  ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay pinasaringan din nito si  Robredo tungkol sa kung nasaan ang Bise Presidente tuwing gabi.

 

Tinawag din ni  Pangulong  Duterte na sinungaling si Robredo dahil sa umano’y paghahanap sa kanya noong nanalasa ang bagyong “Ulysses.” May sagot naman ang pangalawang pangulo sa mga patutsada sa kanya.

 

Ipinaliwanag ng Pangulo na nasa online ASEAN Summit siya nang manalasa ang bagyo.

 

Nang gabi ng Biyernes nang maiulat ang paglubog ng Cagayan dahil sa pagbaha, abala si Robredo sa pakikipag-ugnayan sa militar para sa pag-rescue sa mga residenteng nasa bubungan ng mga bahay.

 

Mula nang manalasa si “Ulysses,” walang pahayag si Robredo sa publiko tungkol sa paghahanap sa pangulo bagaman nag-trending sa social media ang #NasaanAngPangulo.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte na si Robredo ang nagpasimula ng nasabing #NasaanAngPangulo, na nag-trending din noong bagyong “Rolly.”

 

Diing pahayag ng Pangulo ay minomonitor niya ang sitwasyon sa epekto ng bagyo kahit dumadalo siya sa ASEAN Summit.

 

“I would go and whisper to the military guys in the room, how was it developing and what was the reaction of our government people there and the resources?” ang pahayag ng Chief Exevutive.

 

“Hindi mo na kailangan orderin ‘yan sila kasi two days before, deployed na ‘yan sila doon,” patuloy niya.

 

Ayon pa kay Duterte, nagbibigay ng utos umano si Robredo sa militar sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong “Ulysses.”

 

Sa mga tweet ni Robredo, iniuugnay niya ang netizens na nangangailangan ng tulong sa rescue teams na nasa lugar.

 

Giit ni Pangulong Duterte, “You are presuming that I should be giving orders on the day of the storm. That is stupid… That is why you cannot be President. Mahina ka. You do not give orders on the day of the war, patay ka.” (Daris Jose)

Other News
  • 2 pang biktima ng ‘palit ulo’ sa Valenzuela lumutang

    DALAWA pang biktima ng ‘palit-ulo’ scam ang lumutang sa Valenzuela City Hall upang ilahad ang kanilang karanasan at sinapit na panggigipit ng ACE (Allied Care Experts) Medical Center sa Valenzuela.     Iprinisinta ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang mga biktimang sina ­Nerizza Zafra at Cheryluvic Ignacio, na kapwa residente ng naturang  Lungsod na […]

  • Usap-usapang lilipat na sa TV station ng mga Villar: Show at kontrata ni WILLIE, magtatapos na ayon sa short statement ng GMA

    LAST Saturday, February 5, naglabas ng official statement and GMA Network tungkol sa pag-e-expire ng contract ni Willie Revillame na host ng variety show na Wowowin.     Nagsimula itong umere noong May 2015 at sa kasagsagan ng pandemya, nagka-sub title ito ng ‘Tutok To Win’ na kung saan ang dami talaga niyang natulungan na […]

  • Pinas, hindi lang nag-iisang bansa na nagpapatupad ng lockdown

    HINDI lang ang Pilipinas ang nasa ilalim at nagpapatupad ngayon ng lockdown.   Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.   Aniya, ang iba pang bansa na nagpapatupad ng lockdown para mapigil ang pagkalat ng Covid-19 at mapigil na bumagsak ang healthcare systems ay Ukraine, […]