‘Back-riding’ para sa mga couple, pinayagan na
- Published on July 10, 2020
- by @peoplesbalita
Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na ang back-riding sa mga motorsiklo ay pinapayagan na simula ngayong araw, Biyernes, July 10 ngunit para lamang sa mga couple.
“Yes, simula July 10 ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na ‘yan… ito ‘yung pinaka-prototype na gagamitin natin,” saad ni Año sa panayam.
“Para sa couple lang muna kasi tumataas ‘yung numero… pag couple iisang bahay lang ‘yan…” dagdag pa nito.
Iginiit nito na dapat ay naninirahan sila sa loob ng iisang bahay.
“Whether they are married or common-law husband and wife… boyfriend or girlfriend but they are living in the same household,” aniya.
Mayroon dapat barrier sa pagitan ng rider at pasahero maging ang pagsusuot ng face mask.
“Mayroon siyang barrier in between the rider and passenger pagkatapos mayroon din siyang handle at lalagpas hanggang ulo niya ‘yung barrier para siguradong walang laway na tatalsik,” pahayag pa ni Año.
“Pero ‘yung may mga designs at proposal, patuloy pa rin silang magsubmit sapagkat meron naman tayong TWG [technical working group] na sumusuri diyan.”
Dagdag ni Año, ipatutupad ito sa lahat ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) areas.
“Yes, nationwide ‘yan… both GCQ and MGQC…”
Sa kabila nito, iginiit naman na hindi kasali ang electronic bikes. (Daris Jose)
-
Ads January 20, 2021
-
1 PATAY, 6 SUGATAN INARARO NG KOTSE
ISA ang patay habang anim ang sugatan nang araruhin ng isang kotse sa Binondo, Manila. Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa namatay habang kinilala ang mga nasugatan na sina Jerry del Rosario, 41, ng Montalban Rizal; Adriano Limse, 38 pedicab driver ng Kagitingan Tondo, Manila; Ryan Caranzo , 39 ng Dagupan, Tondo; Jonathan Ratin, 40 […]
-
Inspection ng OFW hospital, pangungunahan ni Pangulong Duterte : Operasyon, sisimulan ngayon
INANUNSYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbubukas na ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital ngayong Lunes, Mayo 2. Sa isang statement, sinabi ng DOLE na ang OFW Hospital na itinayo sa San Fernando City, Pampanga ay magbibigay ng medical care at health services sa mga OFWs at ng kanilang […]