• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Back to ECQ:’ Mga hospital bed capacity sa Cebu, dadagdagan- Cimatu

Inaalam ng Visayas Overseer on COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Task Force na si Sec. Roy Cimatu ang bed capacity sa lahat ng mga pagamutan sa Lungsod ng Cebu.

 

Ayon kay Cimatu, natukoy nila mula sa mga tinawagang may-ari na may 569 bed capacity sa mga pribadong ospital habang 646 sa intensive care units.

 

Natukoy ni Cimatu na sa 86.6% ang “percentage fill” ng mga hospital bed para sa COVID-19 patients at “crucial” ito sa siyudad kung mapupuno ito lalo na at pataas ang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa lungsod.

 

Alinsunod nito, naghahanap ng paraan ang opisyal upang matugunan ang kakulangan ng hospital beds.

 

Binigyang-diin pa ni Cimatu na kailangang itaas ang sahod ng mga medical workers upang lalong magsikap ngayong panahon ng pandemya.

 

Una nang ihinayag ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na magbibigay ang pamahalaan ng dagdag na incentives para sa mga nurse ng mga pribadong pagamutan.

 

Batay sa datos mula sa Department of Health-7, Cebu City pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga confirmed cases kung saan nasa 7,015 na ito at 6,802 naman ang active cases.

 

Nabatid na inilagay uli sa ECQ (enhanced community quarantine) ang lungsod hanggang Hulyo 15. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Cancel culture’ ginagamit sa pag-iwas sa mga debate

    NANINIWALA  ang kampo ni presidential candidate at Vice Pres. Leni Robredo na pinaiiral ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang “cancel culture” para makaiwas sa mga debate at political rallies.     Sinabi ni dating congressman Erin Tañada, campaign manager ng Robredo-Pangilinan tandem na ang pagiging pangulo ng bansa ay hindi isang laro ng […]

  • MIGUEL at YSABEL, pinaghandaan ang pagganap bilang Steve at Jamie; kumpleto na ang mga bida ng ‘Voltes V: Legacy’

    KUMPLETO na ang limang bida ng Voltes V: Legacy dahil ini-reveal na last Wednesday ng GMA Network sa 24 Oras ang napiling magbibigay buhay kina Steve Armstrong at Jamie Robinson.      Si Miguel Tanfelix nga ang napiling gumanap bilang Steve, ang Voltes team leader at piloto ng Volt Cruiser at si Ysabel Ortega naman […]

  • US pinasabog ang ‘spy balloon’ ng China

    ISANG Chinese ‘spy balloon’ na pumasok sa airspace ng Amerika noong Enero 28 ang pinasabog ng US military aircraft nitong Sabado sa Surfside Beach South Carolina, US.     Ayon sa Pentagon, ang hakbang na ito ng Beijing ay hindi katanggap-tanggap at paglabag sa soberanya ng US.     Nabatid na unang nag­labas ng kautusan […]