‘Backpacker’, nagbayad ng P30K upang illegal na magtrabaho sa online gaming sa Thailand
- Published on April 25, 2024
- by @peoplesbalita
NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang 29-anyos na biktima ng trafficking ng tinangka nitong lumabas ng bansa patungong Thailand.
Ayon sa BI’s immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) na sinabi ng biktima na mag-isa lamang ito bibiyahe bilang isang turista sa Thailand kung saan nagpakita ng round trip ticket at identification card na nagtatrabaho sa isang manpower agency sa Pilipinas.
Subalit sa primary inspection pa lamang ay nakitaan na ng pabago-bagong salaysay kaya ini-refer siya ng secondary inspection pero sa isinagawang inspection ay lumalabas na peke ang kanyang return ticket dahilan upang aminin nito na wala siyang planong bumalik dahil magtatrabaho siya sa isang online gaming company sa Thailand.
Dagdag pa nito na ni-recruit lamang siya ng isang babae sa pamamagitan ng Telegram kung saan nagbayad siya ng halagang P30,000.
Sinabi ni I-PROBES Chief Bienvenido Castillo, III na ito ay isa nanamang kaso ng catpishing kung saan ang biktima ay pinangakuan ng trabaho sa online gaming na nauuwi sa pagiging scammers sa ibang bansa.
Paliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang catpishing bilang isang online gaming ay isa nang malaking problema sa rehiyon sa Asya.
Ang modus operandi nito ay nag-iimbita sila na magtrabaho sa isang call center online gaming pero nauwi bilang catpishers kung saan ang target nila ay mga western men sa online dating apps at niloloko nila upang mag-invest sa isang pekeng cryptocurrency accounts. GENE ADSUARA
-
Deputy Speaker Pichay, 30 yrs jail term sa graft cases – Sandigangbayan
HINATULAN ng Sandiganbayan si House Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na makulong ng 30 taon matapos ideklara ng anti-graft court na guilty ito sa tatlong graft cases. May kaugnayan ito sa umano’y mismanagement ng P780 million funds sa kaniyang panunungkulan bilang head ng Local Water Utilities Administration (LWUA). […]
-
MMDA sa mga kandidato: ‘Wag mangampanya sa sementeryo
UMAPELA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kandidato sa 2025 Midterm elections na iwasang mangampanya at sa halip ay ibigay ang panahon at oras sa namayapa at mga pamilya nito. Ginawa ni MMDA Chairman Artes ang apela kasabay ng kanyang pulong sa mga kinatawan ng 17 local government units (LGU) sa […]
-
Bisa ng driver’s license, pinalawig hanggang Oktubre 31
PINALAWIG ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license na mag-e-expire simula Abril 24. Ito ay batay sa nilagdaang memorandum circular ni LTO chief Jay Art Tugade na nagpapalawig sa validity ng driver’s license hanggang Oktubre 31 ng kasalukuyang taon o sa sandaling matapos na ang procurement o ang proseso ng […]