Bading na-depressed sa utang, nagbigti
- Published on February 21, 2020
- by @peoplesbalita
NASAWI ang isang 23-anyos na bading na dumanas umano ng depresyon matapos magbigti dahil sa hindi nabayarang utang sa Malabon City, kahapon (Huwebes) ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Mark Lester Jhon Dela Cruz, salesman, na nadiskubreng walang buhay ng kanyang tiyahin na si Ailane Bacalso habang nakabigti gamit ang kumot na nakapulupot sa kanyang leeg samantala ang dulo ay nakatali sa kisame bandang ala-1:30 ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay sa 18 Kaunlaran St., Brgy. Muzon.
Ayon kay Malabon police homicide investigator P/MSgt. Julius Mabasa, bago ang insidente ay tinawagan ng biktima ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at sinabing nahihiya siya at napahiya sa mga tao na humahabol sa kanya dahil sa hindi niya nabayarang utang.
Gayunman, natagpuan ng tiyahin ng biktima ang listahan ng utang ng kanyang pamangkin at napag-alaman na mayroon lamang siyang utang na P1,000.00.
May hinala rin si Bacalso na ang kanyang pamangkin ay nakipag-break umano sa kanyang kasintahan na naging sanhi ng kanyang pagkalungkot. (Richard Mesa)
-
Arrest order ng China simula na ngayon
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy […]
-
2 pang Mpox cases naitala sa Metro Manila
NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng dalawang bagong Mpox cases sa Metro Manila. Ayon sa DOH, ang dalawang bagong kumpirmadong kaso ng Mpox ay parehong lalaki na nakitaan ng MPXV Clade II, na mas mild na uri ng Mpox virus. “Transmission dynamics for the two new cases […]
-
Mayor Rex nabakunahan na kontra COVID-19
Natanggap na ni Valenzuela City Mayor REX Gatchalian ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na ginanap sa People’s Park Amphitheater ng lungsod. Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng critical o high-risk na lugar kung kaya’t ang mga mayors at mga governors ay classified na sa ilalim ng A1 […]