• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bading natagpuang tadtad ng saksak

DAHIL sa mabahong amoy, nadiskubre ang bangkay ng isang 44-anyos na bading na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanyang inuupahang tindahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

Sa nakarating na report kay Malabon Police Chief Col. Angela Rejano, ala-1:40 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Emy Yruma, 44, store owner, sa loob ng kanyang inuupahang tindahan sa 22 Don Basilio Bautista Boulevard, Brgy. Hulong Duhat.

 

Batay sa inisyal na imbestigasyon nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Jose Romeo Germinal, nakaamoy ng mabahong amoy mula sa loob ng tindahan ng biktima na mula pa noong Sabado ng umaga ay sarado ang saksing si Teodoro “Ted” Bernabe, 69, Kagawad ng Brgy. Hulong Duhat at residente rin sa naturang lugar.

 

Dahil dito, nagpasya ang saksi kasama ang mga barangay tanod na sirain ang padlock ng tindahan sa pahintulot ng may-ari ng inuupahang tindahan na si Alberto Bernabe.

 

Nang mabuksan ang rolled-up door, tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa sahig at namamaga na ang katawan nito kaya’t agad nilang ipinalaam sa pulisya ang insidente.

 

Lumabas sa cursory examination ng rumespondeng mga tauhan ng NPD-SOCO sa pangunguna ni P/ Capt. Sonny Boy Tepace, nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima.

 

Ipinag-utos na ni Col. Rejano sa kanyang mga tauhan ang pagsa- sagawa ng follow-up imbestigasyon sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo nsa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • Gumabao huwarang atleta

    HINDI lang magagaling ang ating mga mga elite at national athlete, kasama siyempre ang mga volleybelle.     Matitinik sila sa playing court, pati rin pagdating sa pagtulong sa mga kapwang nangangailangan ng pagkalinga.     Isang taon na nitong Marso 15 nang mag-lockdown ang ‘Pinas.     Nagsulputan ang mga manlalaro para sa mga […]

  • Pangangaroling bawal sa Valenzuela

    IPINAGBABAWAL muna sa sinumang indibidwal o grupo na magsagawa ng pisikal na pangangaroling sa Valenzuela City simula Disyembre 1 hanggang Enero 2, 2021, alinsunod sa Ordinace No. 824 Series of 2002.   Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ito’y bilang bahagi pa rin ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19 habang pinapayagan naman aniya ang pangangaroling na […]

  • LTFRB aaralin ‘surge fee’ sa pamasahe ng jeep, bus tuwing rush hour

    PAG-AARALAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng ilang transport groups na magpatupad ng “surge pricing” sa pamasahe ng mga jeep at bus tuwing rush hour at peak hours bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis.     Ito ang sinabi ng board, matapos magpetisyon ang ilang grupo ng dagdag […]