‘Bago ang Ugas fight, Pacquiao kumunsulta kay Mommy D sa political plans’
- Published on September 22, 2021
- by @peoplesbalita
GENERAL SANTOS CITY – Buong suporta ang ibibigay ni Mrs. Dionesia Pacquiao para sa anak makalipas na tanggapin ni Sen. Manny Pacquiao ang nominasyon ng PDP-Laban Pimentel faction para tumakbo ito sa pagka-pangulo sa 2022 elections.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Mommy D na bilang ina marapat lang na sumuporta sa kagustuhan ng anak na maglingkod sa bayan.
Aniya, masaya siya sa mabuting hangarin ni Manny kahit pa may kaakibat itong napakalaking responsibilidad na balang araw ay maging responsibilidad na rin ng buong pamilya.
Inamin nang itinuturing na “Pacmom” na hindi pa noon nakalipad si Manny ng Amerika para sa kanyang boxing match ay kinonsulta na siya nito para sa pagtakbo bilang presidente.
Sinabi ni Mommy D na ipinauubaya na lamang nito sa Panginoon ang lahat at sinabing kumpiyansa ito sa kakayahan ng anak.
Samantala, sinabi naman na nito na hindi siya nababahala na maging sentro ng mga kritisismo si Manny sabay sabing hindi ito magkukulang sa pagbibigay ng payo.
Sinabi naman nito na nakatulog siya ng mahimbing kagabi dahil nakita rin nito sa mukha ng anak na positibo sa pagtakbo bilang presidente ng bansa.
-
Dahil special child ang bunsong anak na si Santino… MARTIN, may soft spot sa ‘Gift of Life’ na beneficiary ng concert niya
KUNG marami lang ako pera and I can afford, ipagpo-produce ko ng concert for a cause si Martin Nievera. And why not? Sure fire crowd drawer ang one and only Concert King. His comeback concert sa The Theatre @ Solaire ay kumita ng P3.7 million para sa ‘Gift of Life’ project ng […]
-
Nakabalik na after two years ng paninirahan sa US: RUFA MAE, na-miss mag-beach at agad nagpasilip ng alindog
MATAPOS ang dalawang taong paninirahan sa Amerika, nakabalik na ng Pilipinas si Rufa Mae Quinto. Inabutan ng lockdown si Rufa Mae sa US kasama ang kanyang anak na si Athena para i-celebrate doon ang birthday nito kasama ang mister na si Trevor Magallanes. Pero biglang nagkaroon ng pandemic at hindi na sila nakabalik […]
-
PAGCOR, maghahanap ng bagong “revenue source”
KUMPIYANSA ang Malakanyang na makahahanap ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng bagong “revenue source”matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “tuldukan” na ang online sabong operations sa buong bansa. Ayon sa PAGCOR, aabot sa P6 bilyong piso ang magiging “revenue loss” mula sa E-sabong ngayong taon. “Tiwala […]