• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong billing sa kuryente, hintayin muna

Pinayuhan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang consumers na hintayin ang bagong electricity bill ng Manila Electric Co. (Meralco) na base sa kanilang aktuwal na power consumption bago ito bayaran at isantabi ang nakalipas na billings na ibinase lamang sa estimates.

 

Ang pahayag ni Velasco ay kasunod na rin sa paniniguro ni Victor Genuino, first vice president at pinunong Customer Retail Services and Corporate Communications ng Meralco, sa isinagawang public hearing ng House Committee on Energy.

 

“In this meeting, we were able to get the assurance of Meralco that consumers can disregard their estimated billing which were questioned by many of its customers,” ani Velasco, chairman ng energy committee.

 

Inaasahan na makukumpleto ng Meralco sa Hunyo 8 ang aktuwal na meter readings at maipapadala sa customers ang panibagong billing na may tamang singgil.

 

Sa nasabing tamang billing, ilalagay ng Meralco ang nabasang metro ng nakonsumo ng consumers na hindi naman kailangang bayaran agad.

 

Siniguro din ng Meralco na walang magaganap na disconnection sa hindi nabayarang kuryente na nakonsumo sa panahon ng ECQ (enhanced community quarantine).

 

Inihayag naman ni Energy Regulatory Commission Chair Agnes Devanadera na dumalo sa pagdinig na nagbigay kasiguruhan din ang Meralco na mare-refund ng customers ang sobra nitong bayad o ibabawas sa susunod na billing.

 

Ikinatuwa naman ni Velasco ang ulat na magkakaroon ng mekanismo para matulungan ang consumers na mabayaran ang kanilang outstanding bills sa panahon ng ECQ sa pamamagitan ng equal monthly installments depende sa nakonsumo nitong kuryente.

 

Sinabi pa ni Devanadera sa komite na nagpalabas na ang ERC ng advisory na nagdedetalye sa amortization scheme para sa unbilled power consumption.

 

Sa ilalim ng bagong scheme, ang consumers na may buwanang consumption na 200kWh pababa para sa buwan ng Pebrero ay maaaring magbayad sa 6 na equal monthly installments habang yaong may konsumo na mataas sa 200kWh ay maaaring magbayad ng apat na monthly installments. Ang unang bayad o amortization for ay sa June 15, 2020.

 

“I think that we made significant headway in today’s meeting by clarifying the cause of the spike in electricity bills during the ECQ and getting the commitment of Meralco, PHILRECA and the ERC that they are on top of problem and will be taking the necessary steps to correct errors in billing and ultimately charging the households only for the actual electricity they consumed,” ani Velasco.

Other News
  • Babae, inaresto sa paggamit sa anak sa online show

    INARESTO ng  National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang isang babae na ginagamit ang kanyang menor de edad na anak para sa online sexual show at exploitation.     Nag-ugat ang operasyon mula sa idinulog na kaso ng Department of Justice Office of Cybercrime (DOJ-OOC) laban sa isang babae na umano’y ginagamit […]

  • Ads October 13, 2023

  • Pag-IBIG Fund net income, pumalo sa ₱38.06B record-high nitong Oktubre 2022

    NAKAPAGTALA ang Pag-IBIG Fund ng  record-high net income na ₱38.06 bilyong piso mula Enero hanggang Oktubre  2022.     Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ito ng bagong record net income kung saan nalampasan ang  ₱34.73 bilyon na nakuha noong taong 2021.     Ang record-high ay  39% increase kumpara sa kahalintulad […]