Bagong challenge ang mag-portray ng isang serial killer: PIOLO, ngayon palang masusubukan ang ultra bad na character
- Published on June 23, 2022
- by @peoplesbalita
SA totoo lang, super enjoy panoorin si Dingdong Dantes hosting Family Feud.
Mahusay si Dong makipag-interact sa kanyang mga guests. At kung minsan ay may halong comedy pa ang banat niya ng punchlines.
Kung contestant ka, para makakampante ang feeling mo at ‘di ka kakabahan kasi very engaging host si Dong.
Malaki na ang improvement ni Dong as a TV host at relaxed na relaxed lang siya sharing the stage kasama ang celebrity contestants ng Family Feud.
Bukod sa Family Feud, ay napapanood din si Dong sa sitcom nila ni Marian Rivera titled Jose and Maria’s Bonggang Villa.
Ibang Dingdong naman uli ang namamalas dito dahil pagiging comedian naman niya ang kanyang inilalabas.
Kahit na noong una ay sinasabi ni Dong na ‘di siya comfortable doing comedy, ang director ng sitcom na si John Lapus ang nagsasabi na very effective na comedian ang better half ni Marian Rivera.
Willing kasi si Dong to let his defenses down para maging effective sa pagpatawa.
***
AWARD- WINNING director Jay Altarejos describes his new film Memories of a Love Story as a very entertaining movie.
Pero may relevance naman daw ito kasi di niya kinalimutan mag-inject ng element ng political consciousness.
“As a whole, very entertaining ang movie, na bida sina Oliver Aquino at Migs Almendras,” dugtong pa ni Direk Jay.
Melodrama ang tema ng movie at sana raw ay maitawid nang cast ang kwento. “I hope the actors will be able to shine sa kanilang respective roles,” kwento pa ni Direk Jay.
Tinatalakay din sa movie ang pagkakaiba ng social classes at kung paano ito nakakaapekto sa buhay natin.
“Iba ang interaction pag dalawang mahirap na karakter ang may ugnayan. Let’s face it, Iba ang pananaw ng taong mahirap sa taong mayaman dahil magkaiba ang sila nang environment na kinalakihan,” wika pa ng director.
***
MAY itinatagong lihim sa kanyang misis na si Iris (Lovi Poe) si Jacob (Piolo Pascual) sa upcoming series na Flower of Evil, na adaptation ng isang sikat na South Korean thriller drama.
Sinusundan ng kwento ang buhay ng mag-asawang Jacob at Iris (Piolo at Lovi). Umiikot ang buhay nila sa anak nilang si Luna (Sienna Stevens), habang si Jacob ay isang metal craftsman at si Iris naman ay isang maprinsipyong police detective.
Walang kamalay-kamalay si Iris na may itinatago pa lang masalimuot na nakaraan si Jacob. Ilang taon na kasing inililihim ni Jacob ang kanyang totoong pagkatao dahil siya talaga ang misteryosong si Daniel Villareal.
Si Daniel ay may antisocial personality disorder at 17 taon nang wanted ng pulis dahil sa pagpatay sa isang barangay captain. Siya rin ang nag-iisang anak ni Abel (Gardo Versoza), isang kilalang serial killer na nag-suicide.
Ito ang darkest character na ginampanan ni Piolo sa kanyang career. Never pang nag-portray si Piolo ng isang ultra bad na character. Gagawin niya ito ngayon for the first time sa Flower of Evil.
Bagong challenge for Piolo ang mag-portray ng isang serial killer. Naisip siguro ng actor na panahon para baguhin naman niya ang kanyang image na goody-goody kaya tinanggap niya ang offer to play a character na medyo may tililing.
(RICKY CALDERON)
-
Kinabog at walang sinabi ang ilang bagets loveteams: CHERRY PIE, kinakiligan ang kakaibang paandar para sa birthday ni EDU
WALANG sinabi ang ilang mga loveteams sa real-life loveteam nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache. Aba, kinikilig sa kanilang dalawa ang mga netizens. Very open naman din naman kasi sila at hindi itinago ang relasyon nila even from the beginning. At ang bagets-bagets ng birthday gift ng actress sa birthday nito. Tatlong klase […]
-
Itatayong bagong transport hub sa QC na may access sa MRT 7
MAY plano ang pamahalaan ng magtayo ng bagong transport hub sa lungsod ng Quezon na mayroon access sa ginagawang Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) at itatayo sa 3-hectare na lugar na pag-aari ng Government Service Insurance System (GSIS). Tatawagin itong “Project Hub” na itatayo sa strategic na lokasyon sa pagitan ng […]
-
PBBM, pinasalamatan si Malaysian PM Anwar para sa tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine
PERSONAL na tinawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para pasalamatan ito sa tulong ng gobyerno nito sa Pilipinas matapos na hagupitin ng Severe Tropical Storm Kristine. “The air support they provided allowed us to reach areas that are still struggling with severe flooding, bringing relief to families who […]