Bagong K-10 curriculum, ilulunsad sa mga susunod na linggo– DepEd
- Published on July 13, 2023
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG ilunsad ng Department of Education (DepEd) ang revised curriculum para sa Kinder to Grade 10 (K to 10) sa mga susunod na linggo.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa na ang implementasyon ng “decongested” K to 10 curriculum ay sa School Year 2024-2025.
“Sa K to 10 review, since tapos na tayo do’n, ang feedback ng experts natin ay highly congested kasi ‘yung current K to 10 natin. Ibig sabihin, napakaraming kailangan matutunan ng learners na learning competencies within a school year. Napakarami ring kailangan ituro ng mga guro within a school year, which makes mastery of these subjects very difficult,” ayon kay Poa.
Para mapahusay pa aniya ang kalidad ng ‘basic education’ sa bansa, sinabi ni Poa na ang bagong curriculum ay mas nakatuon sa mga subject gaya ng matematika, agham, english, pagbabasa, at values formation.
Matatandaang, binuksan ng DepEd ang draft ng K to 10 curriculum para sa public review noong Abril, kung saan ang mga eksperto, miyembro ng akademya, at iba pang education stakeholders ay hinikayat na magbigay ng feedback sa “shaping papers at revised curriculum guides.”
“That’s why it took us time, we had to consider all the comments for the final tweaks. Now we’re done, we will be launching it in a few weeks time,” ayon pa rin kay Poa.
At para naman sa K to 12 curriculum, sinabi nito na nagpapatuloy ang pagsusuri.
Nito lamang Mayo, nag-organisa ang DepEd ng national task force na masusing magrerebisa sa implementasyon ng senior high school program.
“Ang promise ng K to 12 is that magiging employable ‘yung mga learners, pero we have to admit na hindi ‘yan nangyayari sa ngayon [the promise of K to 12 is that the learners will be employable, but we have to admit that that is not happening right now]. We are looking at ways to align that industry demands, to boost employability, attractiveness of our learners to be employed,” ayon kay Poa.
Nauna rito, sinabi naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang K to 12 curriculum ay babaguhin sa layuning makapag-produce ng mas “competent, job-ready, active, at responsible” graduates. (Daris Jose)
-
Pinocchio Writer-Director Guillermo del Toro Finds His Next Stop Motion Project, ‘The Buried Giant’
GUILLERMO del Toro, fresh off his success with Guillermo del Toro’s Pinocchio, has already found his next stop-motion project. Earlier this year, Guillermo del Toro’s Pinocchio opened to rave reviews from critics and commercial success, as it currently holds a 97 percent rating from critics and 91 percent from viewers on Rotten Tomatoes. […]
-
Pulis na bumaril-patay sa mag-ina sa Tarlac na si Jonel Nuezca, namatay sa loob ng NBP
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng pagkamatay ng dating pulis na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca. Ang dating pulis ay ang pumaslang sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Kung maalala nakuhanan ng cellphone video ang komosyon sa pagitan ng mag-ina at Nuezca […]
-
Maling paggamit ng confidential funds ni VP Sara sa OVP, DepEd umabot sa P612.5-M – Chua
TINATAYANG umaabot sa P612.5 million ang kabuuang pondo sa ilalim ng confidential funds ang nagastos ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education. Nagpahayag ng pagkadismaya si Manila 3rd District Rep. Joel Chua, sa laki ng halaga na ginastos ng OVP at DepEd na […]