Bagong Omicron variant na Arcturus, hindi dahilan ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 – expert
- Published on May 10, 2023
- by @peoplesbalita
BINIGYANG linaw ng isang eksperto na hindi ang Omicron subvariant XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus variant ang dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa isang pahayag ay sinabi ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana na walang katotohanan na ito ang dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng nasabing virus sa Pilipinas.
Aniya, sa katunayan pa nito ay nag-iisa pa lamang ang nadedetect na Arcturus case sa bansa na naitala noong Abril 26 sa probinsya ng Iloilo at ang tinamaan aniya nito ay asymptomatic at gumaling na rin.
Dagdag pa ni Salvana, bagama’t ang naturang variant ng Omicron ang naging dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang bansa, ay wala pa aniyang direktang ebidensya ito na nagpapakita na nagdudulot ito ng mas malubhang karamdaman.
Samantala, kaugnay nito ay binigyang diin din ni Salvana na nananatili pa ring mabisa ang mga bakunang ginagamit ng bansa laban sa Arcturus variant. (Daris Jose)
-
DepEd, target ang 100% na pagpapatuloy ng in-person classes sa susunod na school year
HANDA na ang bansa para sa “full and nationwide implementation” ng face-to-face classes sa susunod na taon. Iyon nga lamang ang modalities ay depende sa lokasyon ng eskuwelahan. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, may 73.28 porsiyento ng kabuuang bilang ng pampublikong eskuwelahan […]
-
Chua kampeon sa Hanoi open
AYAW paawat ng mga Pinoy cue masters sa international stage matapos muling bigyan ni Johann Chua ng karangalan ang Pilipinas. Pinagharian ni Chua ang 2024 Hanoi Open kung saan pinataob nito si Ko Pin-yi ng Chinese-Taipei sa finals sa pamamagitan ng 13-7 desisyon sa Hanoi Indoor Games Gymnasium sa Vietnam. Napasakamay ni […]
-
Malakanyang, kinumpirma ang rekomendasyon ng VEP sa FDA na gamitin ang Sinovac sa mga senior citizens
KINUMPIRMA ng Malakanyang na inirekomenda ng Vaccine Expert Panel (VEP) sa Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Sinovac vaccine para sa mga senior citizens o mga indibidwal na may 60 taong gulang pataas. Masusing tinalakay ng VEP ang usaping ito sa gitna ng kasalukuyang vaccine supply sa bansa. “We hope that […]