Bagong Pilipinas Bill ilalarga sa Kamara
- Published on August 21, 2024
- by @peoplesbalita
ILALARGA sa Kamara ang Bagong Pilipinas Bill na layong mapalawak ang pagtulong sa mga nangangailangang Pilipino sa pamamagitan ng pagtatayo sa bawat lalawigan at siyudad sa bansa ng Serbisyo at Tulong Center sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Layon ng panukala na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao at maitayo ang Bagong Pilipinas Tulong Centers.
“We are proposing to the Speaker (Romualdez) ngayong umagang ito na ibalangkas ang batas na ‘Bagong Pilipinas Bill.’ Nandun ang pagpuput-up ng Bagong Pilipinas Serbisyo Centers, Bagong Pilipinas Tulong Centers,” pahayag ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” Gabonada Jr. sa pagbubukas ng BPSF Agency Summit sa PICC Forum Hall, Pasay City.
“Kasama dito ang paggawa ng mekanismo kung saan nag-uusap-usap itong mga ahensya dun sa convergence ng programa kasi may mga programa talaga na nangangailangan ng ibang ahensya to make it maximized, para ma-fully utilized yung resources ng gobyerno,” giit nito.
“With that bill, masisiguro natin na magkakaroon ng tamang pondo, magkakaroon ng tamang sistema at magkakaroon ng tamang implementasyon ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair,” ayon pa kay Gabonada.
-
Ads October 17, 2023
-
Malakanyang, kinondena ang barbaric attack sa broadcast journalist na si Ma. Vilma Rodriguez
KINONDENA ng Malakanyang ang barbaric attack sa local broadcast journalist na si Ma. Vilma Rodriguez. “These kinds of vile and atrocious acts have no place in our nation, which values freedom, democracy, and the rule of law above all,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez sa isang kalatas. Nanawagan naman […]
-
COMELEC nanawagang ire-activate rehistro para sa 2025 elections
MULING nagpaalala sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na hanggang sa katapusan o Setyembre 30 na lang ang reactivation ng mga natanggal sa talaan ng botante. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na may 5.37 milyon ang nadiskubre nilang deactivated o hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na halalan. […]