• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong Pilipinas rally, hindi gagamitin para isulong ang Chacha -PCO

PINABULAANAN ng mga opisyal ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi gagamitin ang Bagong Pilipinas campaign kickoff rally, bukas, Enero 28 para itulak ang Charter change (Cha-cha).

 

 

“Definitely not. This is an activity by the Executive Department for the covenant of Bagong Pilipinas. This is the Executive Department’s way of showing its commitment that it will do its job… There are no other reasons,” ayon kay PCO Undersecretary Gerard Baria.

 

 

Sinabi naman ni PCO Director Cris Villonco na “as part of the event and the one overseeing the event, I can assure that is not the case.“

 

 

“We are talking about empowering the Filipino at its very core,” dagdag na wika ni Villonco.

 

 

Nauna rito, ipinahayag kasi ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na ang Bangon Pilipinas rally ay pronta lamang para itulak ang Charter change.

 

 

Ang buwelta naman Baria, ang mga salungat na pahayag at paniniwala ng iilan ukol sa tunay na nilalayon ng rally ay para guluhin ang mga ideya.

 

 

Tinuran pa ni Colmemares na ang nasabing event ay pag-aaksaya lamang ng pondo ng publiko.

 

 

Bilang pagdepensa sa kickoff rally, sinabi ni Baria na ang kahalagahan ng Bagong Pilipinas ay marapat lamang na ilathala.

 

 

“An idea as big as this deserves an event as big as this,” anito.

 

 

Idinagdag naman ni Villonco na “we need to make this big, we need to make this loud… we need to spread as fast as possible because we deserve this, we need this and we need everybody’s help.”

 

 

Higit 200,000 attendees ang nakiisa sa event. (Daris Jose)

Other News
  • “Online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas

    Pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas sa Kamara ang “online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, ngayong may COVID-19 pandemic.     Sa House Resolution 1555, sinabi ni Vargas na nakakabahala ang online na pag-aampon na maituturing na human trafficking.     Batay sa Department of Social Welfare […]

  • 500K hanggang 1 milyong vaccination kada linggo

    TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 500,000 hanggang isang milyong indibidwal bawat linggo simula sa buwan ng Abril.   Ito’y dahil na rin sa inaasahang pagdating ng mas maraming mga bakuna sa nalalapit na pagsapit ng 2nd quarter.   “So ang targeted vaccination natin by April and May, hinahabol  namin na magkaroon tayo ng 500,000 […]

  • Cruz may 3-year deal sa SMB

    PUMIRMA  si Jericho Cruz ng tatlong taong kontrata sa San Miguel Beer matapos mapaso ang kontrata nito sa NLEX Road Warriors noong Lunes.     Mainit na tinanggap si Cruz ng pamunuan ng Beermen sa pangunguna nina team governor Robert Non at team manager Gee Abanilla.     Kasama ni Cruz sa contract signing si […]