Bagong polymer banknotes, pagtiyak na ‘secure, durable’ ang PH currency – PBBM
- Published on December 23, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pag-unveil ng bagong polymer banknotes ay makapagbibigay katiyakan na ang Philippine currency ay nananatiling “secure, durable, and sustainable.”
Ito’y matapos na tanggapin ni Pangulong Marcos ang unang Philippine polymer banknote series mula kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Disyembre 19.
Ang polymer series ay kinabibilangan ng P1,000 polymer banknote, na ipinakilala noong April 2022, at maging ang bagong polymer denominations na nagkakahalaga ng P500, P100, at P50.
“The first Philippine polymer banknote series, which includes the PHP1,000, PHP500, PHP100, and PHP50 denominations, marks a historic moment for our country. It builds on the success of the PHP1,000 polymer note introduced in April of 2022 and aligns with the global best practice of updating currency features every 10 years,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Polymer banknotes are designed to keep up with the demands of everyday life. Unlike paper bills, which wear out after about a year, a year and a half, polymer banknotes can last up to seven and a half years—five times longer,” aniya pa rin.
Sa pagpapakilala sa bagong polymer banknotes, hindi na kailangan pa ng pamahalaan na madalas na palitan ang mga ito, tulungan ang bansa na makapag-impok o makatipid ng pera, bawasan ang basura at makagawa ng makabuluhang kontribusyon sa pagprotekta sa kapaligiran.
Winika pa ng Pangulo na sa pag-upgrade Philippine currency, mahihirap an ang mga ‘unscrupulous individuals’ na gayahin ang polymer banknotes, dahil an rin sa ‘advanced security features’ nito.
Binanggit din ng Punong Ehekutibo, ang makabuluhang pagbaba ng modus ng pamemeke sa mga bansang Malaysia at Vietnam matapos gumamit ng polymer banknotes.
“Another key advantage is security. Counterfeiting has always been a problem for economies around the world, but polymer banknotes are a notable progressive change,” ang sinabi ng Pangulo.
“By upgrading our currency, we are making sure that every hard-earned peso stays safe, whether it is saved, whether it is spent, or whether it is invested,” dagdag na wika nito.
Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo na tatanggapin at kakalat ang polymer banknotes kahit pa Ito’y may lupi o tiklop.
Giit ng Pangulo na ang paper banknotes ay patuloy na kakalat at lalaganap at mananatiling balido.
“So, there is no need to worry about that, the cash in your wallet still has its value. The polymer banknotes are simply a step forward—stronger, more durable, better suited for today’s demands, while still preserving the essence of what makes our currency truly Filipino,” ang tinuran ng Chief Executive.
Aniya, ang bagong polymer banknote series ay ipalalabas bago mag-Pasko, tanggap ng Pangulo na ang ‘fresh set of bills’ “would add excitement to our kids when they come and ask for their aginaldo (gift).”
Samantala, sinabi naman ng BSP na ang bagong polymer denominations ay magiging available na sa Dec. 23 subalit “in limited quantities” para lamang sa ‘greater Manila.’
Magiging available naman ang bagong polymer banknotes sa buong bansa simula Enero 2025, kasama ang paper banknotes ng kaparehong denominasyon.
Ang bagong denominasyon ng polymer series ay paunang mawi-withdraw o’ver-the-counter’ sa mga bangko at sa kalaunan ay magiging accessible sa pamamagitan ng automated teller machines (ATMs).
Sinabi pa rin ng BSP na ipinagmamalaki sa bagong series ang “smarter, cleaner and stronger” features, sabay sabing kabilang sa practical benefits ng polymer banknotes ay “enhanced resistance to counterfeiting at improved durability.” ( Daris Jose)
-
Access to Medicines Summit 2024: Building Bridges to Build A Blueprint for Collaborative and Innovative Access to Medicines for a Future of Equitable Healthcare
− The summit convened more than 100 key stakeholders and 32 influential speakers from government sectors, private entities, academia, and medical advocacy groups across the region. − The summit aimed to showcase successful efforts in improving access to medicines, foster collaboration opportunities, initiate the development of a roadmap for stronger access to […]
-
LRT 1 Cavite extension on time ang construction
NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) na ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Project ay matatapos ayon sa schedule nito kung saan ito ay magiging operasyonal sa huling quarter ng taong 2024. Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na sinabi ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang namamahala, ang […]
-
Inakalang dahil buntis kaya sumasakit ang balakang: ANGELICA, nadiskubre na may bone death kaya sumailalim sa medical procedure
NAKALULUNGKOT at shocking ang rebelasyon ni Angelica Panganiban sa kanyang Youtube video. Ayon kasi mismo sa aktres ay may sakit siya, na tinatawag na Avascular necrosis o bone death, na kinailangang isailalim siya sa medical procedure. “I have Avascular Necrosis,” pahayag ni Angelica na inakalang ang pananakit ng kanyang balakang dati […]